^

PSN Opinyon

'Tonto pa gihapon'

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
"KASIMANWA" ko ito si Justice Secretary Raul Gonzalez at alam ko na "dugay" na siya sa Maynila, kaya lang, mukhang siya ay "tonto pa gihapon". Hindi ba naman katontohan ang kanyang ginawa na idinamay niya pa si Kris Aquino sa kanyang pagbanat kay Cory, samantalang wala namang kinalaman sa pulitika si Kris, aside from the fact na nasa tamang edad na rin siya na mag-decision para sa kanyang sarili, kahit pa hindi na siya pagsasabihan ni Cory.

Ano ba talaga ang problema nitong si Gonzalez at napakainit ang dugo niya sa mga biyuda? Maalala n’yo, binanatan niya rin noon si Ms. Susan Roces, na wala rin namang ginawang masama laban sa kanya. Ganito ba talaga ang kanyang style, na basta niya na lamang binabanatan ang mga kumakalaban sa kanyang boss, upang siya naman ang mapaboran?

There is honor even among thieves, ngunit kahit hindi naman magnanakaw itong si Gonzalez, si Cory at si Kris, dapat naman malaman nitong naturingan pa man ding Justice Secretary na bahagi ng wastong hustisya ang pagmahal, pagkalinga at pagbigay-galang sa mga biyuda. Masuwerte lang siya na patay na si Ninoy, kung hindi ay hinabol na siya ng itak.

Kung ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling, maaari rin sigurong sabihin na ang honor ay kapatid ng respeto. Sa totoo lang, life is a two-way street, kaya kung walang honor and respect si Gonzalez sa mga babae at biyuda, dapat din kaya natin siyang bigyan ng wastong paggalang?

Kung naaalala n’yo pa noong nakaraang canvassing sa Kongreso, tinanong ni Rep. Ompong Plaza si Gonzalez kung bakit parang salungat na ang kanyang mga bagong sinasabi sa mga dati niyang sinabi. Simple lang ang paliwanag ni Gonzalez, dahil sinabi niya lang na ang bawat tao raw ay may karapatan namang magbago ng kanyang prinsipyo. Ano ba ang nangyayari sa ating bayan at nagkaroon tayo ng isang "Secretary of Injustice"?
* * *
For feedback, call or text AMBASSADOR Señeres at 09224143582, or email royseñ[email protected] The OFW Family Club invites OFWs and family members to join. Call 5257522 or 5257515 or visit http://www.ofwfamilyclub.com

vuukle comment

ANO

FAMILY CLUB

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KANYANG

KRIS AQUINO

MS. SUSAN ROCES

OMPONG PLAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with