^

PSN Opinyon

Abnormal na pagdurugo sa kababaihan

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ISA sa mga kinaaasaran ng mga kababaihan ay ang pagdating ng kanilang mens o regla. Maituturing nilang malaking hadlang sa kanila ang pagdating ng mens. Pero gaano man kabigat ang hadlang na ito sa kanilang buhay, napag-aaralan na nila kung paano makipag-deal sa "special problem" na ito. Kahit na nakaaasar, alam na nilang makitungo sa mga problemang may kinalaman sa mens.

Ang mahirap ay kapag ang isang babae ay nakaranas ng hindi pangkaraniwang pagdurugo o unusual bleeding. Kapag sinabing unusual bleeding, maaaring marami o heavy o di naman kaya’y patak-patak lang o spotting.

Tinatawag itong uterine bleeding at hindi resulta ng normal menstrual period. This includes any bleeding which occurs between menstrual periods and excessive bleeding during periods.

Maraming posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng abnormal uterine bleeding pero ang pinakakaraniwang dahilan ay ang pagbubuntis, kapinsalaan, kumplikasyong medical o di naman kaya’y cancer. Kung ang isang babae na hindi naman buntis, o hindi nagkaroon ng injury at may vaginal bleeding, kailangang maisangguni agad sa doktor. Ito agad ang isipin, kumunsulta sa doktor na specialist sa Obstetrics and Gynecology para maisagawa ang internal exam gaya ng pap smear, colposcopy and D and C. Huwag mag-atubili sa pagpapa-check-up.

Ang medications at devices na karaniwang nagiging dahilan ng uterine bleeding ay: 1.) Paggamit ng oral contraceptives at intrauterine devices (IUD); 2.) Tranquilizers; 3.) Cimetidene (Tagamet); 4.) Metoclopramide HCL; 5.) Antidepressants; 6.) Anticoagulants; at 7.) Corticosteroids.

BLEEDING

CIMETIDENE

D AND C

HUWAG

KAHIT

KAPAG

MAITUTURING

MARAMING

OBSTETRICS AND GYNECOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with