Nakipag-meeting umano si Mrs. Arroyo sa mga regional directors at sa pagkakataon ding iyon iniabot ang tig-P2-milyon bawat isa sa kanila. Ang meeting at ang pag-aabot ng milyones na pera ay ginawa umano sa isang hotel sa Metro Manila. Ang bagong witness umano ay ilang buwan nang nasa United States, ayon pa kay Bishop Cruz.
Matindi na ito. Pagkaraang idawit ng mga naunang witness sina First Gentleman Mike Arroyo, anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Negros Occ. Rep. Iggy Arroyo, ngayon naman ay si Mrs. Arroyo na. Palawak nang palawak ang sakop ng "juetenggate".
Itinanggi naman ni Mrs. Arroyo ang akusas- yon. Sinabi pa niya na sobra na ang ginagawa sa kanyang trial by publicity. Nirerespeto niya aniya ang due process at ang karapatan ng inaakusahan at inaasahan din naman niya na ang kanyang karapatan bilang inaakusahan ay irerespeto rin naman.
Magiging abala na naman ang Senado dahil sa paglutang ng bagong witness. Pero ang tanong ay magkaroon kaya ng resulta ang imbestigasyong ito? Meron na kayang makuhang katotohanan ang taumbayan na matagal nang naghihintay?
Maraming witness na lumulutang pero sa dakong huliy wala ring nangyayari. Pawang daldalan lamang ang nangyayari. Halungkatan ng mga sari-sariling bituka hanggang sa malihis sa tunay na iniimbestigahan.
May paniwala kami na walang patutunguhan ang imbestigasyon sa jueteng. Pawang imbestiga na lang.