^

PSN Opinyon

Gen. Lomibao paki-kalaboso mo si Major Ocden ng SPD!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
USAP-USAPAN sa Southern Police District (SPD) sa Fort Bonifacio sa ngayon ang ginawang paglusob noong nakaraang linggo ni Maj. Ocden sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) doon. Armado ng Armalite, inakyat ni Ocden ang second floor ng opisina ng CIDG sa compound ng SPD, sabay tutok sa kanyang pakay na si SPO3 Leo Palatao. Ayon sa kuwento, nagulat si Leo. Pero maagap naman itong nakarekober sabay hawi ng Armalite ni Ocden, binunot ang kanyang baril at tinutukan si Ocden. Namutla si Ocden. Para siyang binuhusan ng suka. Hindi lang pinutukan ni Palatao si Ocden dahil nakita niya ang mga imahen ng Santo na naka-display sa kanilang opisina. ’Ika nga may pumigil sa kanya para mailayo siya sa disgrasya, kapahamakan at gastusin. Dinisarmahan ni Palatao si Ocden. Subalit pinakawalan din si Ocden at habang sinusulat ko ang column na ito, hindi pa malinaw kung kinasuhan na siya ni Palatao. He-he-he! Nakatagpo ng katapat si Ocden.

Kaya pala galit si Ocden kay Palatao ay dahil kinumpiska ng huli ang mga hawak nitong video karera machines sa Taguig City. Siyempre, dahil opisyal siya at graduate ng PNPA at hamak na enlisted personnel lang si Palatao, aba gustong magpasiklab ni Ocden. Noon ko pa ibinubulgar ang mga VK ni Ocden pero hanggang sa ngayon pala marami pa siyang nakalatag na makina sa kaharian ni SPD director Chief Supt. Wilfredo Garcia. Kaya lang bakit ang CIDG pa ang kumilos para kumpiskahin ang mga makina ni Ocden at hindi ang SPD? Tanong lang po, Gen. Garcia Sir.

Pero kung mga kuwento sa SPD ang paniniwalaan, matagal na palang may alitan sina Ocden at Palatao. Noon pala, si Palatao ay maryoon ding makina subalit dahan-dahan itong nagkawalaan dahil sa mga ‘‘hulidap’’ na raid na isinasagawa ng grupo ni Ocden. At dahil nakapuwesto na si Palatao, aba gumanti ito kay Ocden na sa tingin ng mga kausap ko ay panay nakaw ang mga makina. Ang balita ko pa, itong bata dati ni Ocden na si Abe David ang ginamit ni Palatao kaya’t limas lahat ang mga makina ng una. He-he-he! Nag-alaga pala ng ahas si Ocden, di ba mga suki?

Kaya naman matapang si Ocden, na naka-assign sa Taguig City, eh bayaw siya ni Sr. Supt. Pat Hernandez, ang dating bagman ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao noong CIDG chief pa siya. Di ba si Hernandez ay isa sa mga opisyales ng PNP natin na tinawag sa Senate probe sa jueteng? Aba kung inaanak ni Lomibao si Hernandez, tiyak may kalalagyan si Palatao, di ba mga suki? Kung ganyang kalakas kay Lomibao ang padrino mo, aba sino ba ang hindi tatapang?

Sa pagkaalam ko nasa kamay pa ng CIDG ang Armalite ni Ocden. Dapat iutos ni Lomibao ang imbestigasyon kay Ocden para maparusahan siya at hindi na pamarisan pa ng iba nating mga opisyal ng PNP na lumaki ang ulo kahit illegal pa ang lakad. Puwede na rin sigurong itapon si Ocden sa Subic para isali sa re-training sa ating mga TABA cops. Kapag naalpasan pa ni Ocden ang kahihiyang kinasasangkutan niya, aba walang magandang patutunguhan ang liderato ni Lomibao, di ba mga suki? He-he-he! Lagot ka Ocden! Tiyak sa kalaboso ang bagsak mo. Abangan!

ABE DAVID

ARMALITE

ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

KAYA

LOMIBAO

OCDEN

PALATAO

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with