May 84 na mining tenements na nakitaan ng ibat ibang klaseng paglabag sa kasunduan sa pagmimina. Nabigyan na rin ang mga tao ng rekomendasyon na makansela. Kabilang na rin sa mga dahilan ng pagkakansela ay ang hindi nito pagpasa ng kumpletong mga dokumento, hindi pagsisiwalat ng pinakabagong impormasyon tungkol sa kanilang kompanya at operasyon at hindi pagbabayad ng sapat na buwis. Ngunit ang pinakamatinding dahilan sa pagkakansela ay ang aktuwal na matagal na pagtigil ng operasyon ng pagmimina.
Ang pagkakansela sa 84 na problemadong mining tenements ay unang hakbang lamang upang malaman kung sino sa mga kasalukuyan kompanya ang tunay na may kakayahan para maisulong ang reponsableng pagmimina na may pagpapahalaga sa kalikasan at komunidad. Sa ganitong proseso, naihihiwalay ang mga mabubuting nagmimina laban sa mga may problema. Bukod pa rito, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga nagkakasalang kompanya na ayusin ang kanilang mga operasyon.
Sa pagtugon sa mga paglabag at kakulangan ng mga non-performing mining tenements ay tiyak din na mapagtitibay ng industriya ang responsableng pagmimina na nagbibigay halaga sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng mga komunidad. Ang pagkikilala sa kahinaan ng 84 na kompanya ang magpapalakas din sa industriya ng pagmimina.