^

PSN Opinyon

Mapanlinlang na surveys

SAPOL - Jarius Bondoc -
SIYEMPRE pa, kilig na kilig si Sen. Ping Lacson sa survey kung saan 30% ng respondents ay pabor na siya ang mag-Presidente. Malaking lundag ito mula sa iba pang poll kung saan 13% ang nais siyang umupo. Kunwari’y dedma lang si Lacson, pero ikinakalat ang resulta sa text, fax at e-mail.

Ang problema nga lang sa surveys ay mahigit 14 buwan nang tapos ang presidential election. Natalo si Lacson d’un; pangatlo lang kina Gloria Arroyo at Fernando Poe Jr. Mapatunayan mang nandaya si Arroyo batay sa Gloria-gate tape, hindi pa rin makakaupo si Lacson. Ang constitutional successor ni Arroyo ay si Vice President Noli de Castro.

Tsansa lang ni Lacson na mag-Presidente ngayon ay kung hirangin muna siya ni de Castro bilang VP, tapos pabagsakin niya ito. O kaya, kung sa isang long shot, ipa-disqualify ni Lacson si Arroyo, miski huli na, bilang kandidato nu’ng 2004, tapos siya ang i-proklamang panalo dahil patay na si FPJ. O kaya’y, mas-long shot, magkagulo sa pulitika at magdaos ng snap election at siya ang lumitaw. Pero long shot nga dahil, sa isang kampanya, lalabas muli ang mga krimen ni Lacson: pag-torture sa mag-tiyahin para umamin kung nasaan ang isang Komunista, paghulog sa mag-ina mula sa chopper para isuplong ang isang kidnapper, kidnapping for ransom ng pamilya ng isang Chinese drug lord, pag-massacre sa Kuratong Baleleng suspects at mga pamangking menor de edad, at drug trafficking.

Pero dapat ding tingnan kung bakit may mga survey na nagtatanong kung sino ang nais ng madla mag-Presidente. E, tapos na nga ang halalan at meron nang nakatalagang hahalili sakaling mawala sina Arroyo at De Castro–siyempre, ang Senate President o Speaker o Chief Justice. Kung itatanong pa ang pagka-Presidente, masasabing nangangawarta lang ang mga pollster sa mga kliyenteng politiko (tulad ni Lacson), o kaya’y hindi nakakaintindi ng Konstitusyon.

Lalong lumalalim ang hinala kung titignan na sinasali sa surveys ang ilan pang personalidad: Susan Roces, Fidel Ramos, Rene de Villa, Horacio Morales–na hindi naman humangad mag-Presidente nu’ng 2004.

CHIEF JUSTICE

DE CASTRO

FERNANDO POE JR. MAPATUNAYAN

FIDEL RAMOS

GLORIA ARROYO

HORACIO MORALES

KUNG

KURATONG BALELENG

LACSON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with