May tumatalon, may sumasampa
July 24, 2005 | 12:00am
HINDI ko maintindihan si Gary Teves at Romy Neri, kung bakit ginusto pa nilang maging bagong miyembro ng Gabinete ni GMA, samantalang ang ibang taong nasa Gabinete na ay madalian namang umaalis. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit nagkakaiba ang pananaw ng mga Cabinet members pagdating sa usapan tungkol sa pagtalon mula sa poder, o sa pagsampa naman sa puwesto? Prinsipyo kaya? Baka naman poder o di kaya pera?
Tuwang-tuwa naman ako kay Vicky Garchitorena. Ang tapang at ang talino niya pala at napakalalim niya palang magsalita, kung siya ay nasa lugar. Mukha yatang matagal nang nagkikimkim si Vicky dahil hindi siya makapagsalita dati, kaya tingnan ang nangyari nang siya ay nakawala kay GMA, para siyang nabunutan ng tinik at nakahinga nang malalim.
Matagal na rin akong nagpipigil sa pagsasalita tungkol kay DFA Secretary Alberto Romulo, dahil sa respeto ko sa kanyang position, kasi nga dati akong Ambassador. Kaya lang nitong mga nakalipas na mga araw, tila yata maraming ginagawang kapalpakan si Romulo kaya nawalan na rin ng respeto sa kanya ang sarili niyang mga Foreign Service Officers (FSOs), ang mga professional na mga Consul at Ambassador.
Lumiham ang Union of Filipino Foreign Service Officers (UNIFORS) kailan lang kay Romulo, kung saan nakiusap sila na sana ay huwag gamitin ang DFA at ang mga consulate at embassy sa pagtatanggol kay GMA, dahil hindi naman daw valid ang kanyang pagiging Pangulo. Sinabi pa ng mga FSO na dapat tigilan na ng DFA ang paghingi ng suporta para kay GMA mula sa mga Pilipino communities abroad.
Nakakatawa ngunit nakakainis, binunyag ng UNIFORS na binabaluktot pala ni Romulo ang mga sulat ng ibang bansa kung saan nananawagan sila ng rule of law, pinapalabas ni Romulo na sila ay nagbibigay ng pagsuporta kay GMA. Congrats sa UNIFORS!
For feedback, call or text AMBASSADOR Señeres at 09224143582, or email [email protected] The OFW Family Club invites OFWs and family members to join. Call 5267522 or 5267515 or visit http://www.ofwfamilyclub.com.
Tuwang-tuwa naman ako kay Vicky Garchitorena. Ang tapang at ang talino niya pala at napakalalim niya palang magsalita, kung siya ay nasa lugar. Mukha yatang matagal nang nagkikimkim si Vicky dahil hindi siya makapagsalita dati, kaya tingnan ang nangyari nang siya ay nakawala kay GMA, para siyang nabunutan ng tinik at nakahinga nang malalim.
Matagal na rin akong nagpipigil sa pagsasalita tungkol kay DFA Secretary Alberto Romulo, dahil sa respeto ko sa kanyang position, kasi nga dati akong Ambassador. Kaya lang nitong mga nakalipas na mga araw, tila yata maraming ginagawang kapalpakan si Romulo kaya nawalan na rin ng respeto sa kanya ang sarili niyang mga Foreign Service Officers (FSOs), ang mga professional na mga Consul at Ambassador.
Lumiham ang Union of Filipino Foreign Service Officers (UNIFORS) kailan lang kay Romulo, kung saan nakiusap sila na sana ay huwag gamitin ang DFA at ang mga consulate at embassy sa pagtatanggol kay GMA, dahil hindi naman daw valid ang kanyang pagiging Pangulo. Sinabi pa ng mga FSO na dapat tigilan na ng DFA ang paghingi ng suporta para kay GMA mula sa mga Pilipino communities abroad.
Nakakatawa ngunit nakakainis, binunyag ng UNIFORS na binabaluktot pala ni Romulo ang mga sulat ng ibang bansa kung saan nananawagan sila ng rule of law, pinapalabas ni Romulo na sila ay nagbibigay ng pagsuporta kay GMA. Congrats sa UNIFORS!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended