^

PSN Opinyon

Walang humpay ang pangangalaga natin sa wildlife species

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Sa kabila ng krisis pampulitika na nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpapatupad natin sa mga batas pangkapaligiran at pangkalikasan.

Kamaikailan lamang ay nakakumpiska ang wildlife protection officers ng DENR at mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police ng may 84 na iba’t ibang wildlife species sa Arranque market sa Manila na itinuturing na ‘‘highly endangered’’ at ‘‘highly regulated’’ species tulad ng Palawan talking mynah, iba’t ibang species ng parrots, lorries, cockatoo, harrier bird, sail fin at monitor lizards, arboreal snakes at iba pa.

Ayon sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources, Conservation and Protection Act mahigpit na ipinagbabawal ang illegal na pagbebenta o pagmamay-ari ng wildlife species.

Kaya hinihikayat namin ang mga pribadong nagmamay-ari ng mga wildlife animals na iparehistro ang mga wildlife species na nasa kanilang pangangalaga bilang pagtugon sa kampanya ng DENR na protektahan ang mga wildlife species.

Mahalagang malaman nating lahat na sa gawaing ito, natutugunan natin ang pangangalaga at napipigilan natin ang napipintong pagkaubos ng mga wildlife species. Maliban dito nakakatulong tayo upang magbigay ng dagdag kita para sa pamahalaan.

ARRANQUE

AYON

CONSERVATION AND PROTECTION ACT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REPUBLIC ACT

SPECIES

WILDLIFE

WILDLIFE RESOURCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with