^

PSN Opinyon

Luminaw ang mata dahil sa TMJD

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HINDI pa gaanong alam ang tungkol sa Tempra Mandibular Joint Disorder (TMJD). Una itong inilunsad sa aking TV show na ‘‘MAHAL.’’

Isang TMJ specialist si Dr. Helen M. Velasco na nagpakadalubhasa sa dental medicine sa British Columbia. Hindi lang ngipin kundi marami pang parte ng katawan ang saklaw ng TMJD.

Problema ni Zeny Bejosano ang kanyang mga mata bukod pa sa kanyang high blood (230 over 120) kaya animo’y lantang gulay si Zeny, hindi makalakad kung walang umaaakay, hindi alam kung diretso o may lubak ang daan. Lumabo ang kanyang kanang mata kaya nagpatingin siya sa isang opthalmologist. Nalaman ni Zeny na patuloy ang pamumutla ng kanang mata niya at parang walang dugong dumadaloy. Binigyan siya ng Vitamins at sinikap na huwag mahawa ang kanyang kaliwang mata.

Sumangguni si Zeny kay Dr. Velasco at siya’y nilagyan ng TMJ splint at tila isang himala ang naganap. Naramdaman ni Zeny na unti-unting lumiliwanag ang wari’y nalalambungan ng makapal na ulap sa kanang mata siya at siya’y gumaling.

Isa pa ring may TMJD na ginamot ni Dr. Velasco ay ang isang pastor na problema ang ugat niya sa taynga. Hindi siya makakain. Gumagamit siya ng dropper para makainom ng tubig at mahanginan lang ang pisngi niya ay mangiyak-ngiyak siya sa sakit at gustong iuntog ang ulo sa pader. Ang TMJ splint na ikinabit sa kanya ni Dr. Velasco ang lunas sa sakit niya.

Sa iba pang impormasyon, maaaring tawagan si Dr. Velasco sa 645-2559 at 240-2633.

vuukle comment

BINIGYAN

BRITISH COLUMBIA

DR. HELEN M

DR. VELASCO

GUMAGAMIT

ISA

SIYA

TEMPRA MANDIBULAR JOINT DISORDER

ZENY

ZENY BEJOSANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with