Chief Supt. Dapat at Gen. Querol i-raid nyo ang mga pasugalan sa Mandaluyong!
July 24, 2005 | 12:00am
HINAHAMON ako ni ret. Maj. Obet del Corro na patunayan na ang anti-vice unit ni Mayor Neptali Gonzales ang nasa likod ng operasyon ng mga pasugalan sa Mandaluyong City. Abot-langit ang galit sa akin ni Del Corro bunga sa ibinulgar ko na reklamo ng taga-Mandaluyogng na nawalan ng respeto kay Gonzales dahil pati sugal-lupa ay pinatulan nito. Si Gonzales ay isang abogado at dating House deputy speaker at hindi maintindihan ng taga-Mandaluyong kung bakit bumaba ito para pakialaman ang pasugalan na ang mga nakikinabang ay ang mahihirap. Nag-iipon na kaya ng pondo si Gonzales para sa susunod na elections? Kaya galit naman si del Corro dahil siyempre pa si Gonzales ang nagluklok sa kanya at kapwa niya retiradong pulis diyan sa anti-vice unit nga. Ang puna ng taga-Mandaluyong, wala ring ipinagkaiba ang anti-vice unit sa ngayon na pinamumunuan ni Victor Espinosa noong kapanahunan ni Jun Lim.
Kapwa sila malulupit sa masa. Ipinarating ni Del Corro ang kanyang hamon sa mga kasamahan ko sa hanapbuhay sa Metro Eastern Rizal Press Organization (MERPO). He-he-he! Siyempre, hindi ako tatakbo sa laban, di ba mga suki?
Kaya tinatawagan ko sina Chif Supt. Carding Dapat ng CIDG at Dir. Vidal Querol ng NCRPO na ipag-utos nila ang sunud-sunod na pagsalakay sa mga pasugalan sa Mandaluyong para lumutang ang katotohanan. Kasi nga hindi ako makalapit kay Chief Supt. Oca Valenzuela, director ng EPD dahil kahit papaano ay maiimpluwensiyahan siya ni Gonzales. Natural na lalong hindi puwede kay Supt. Eric Velasquez, ang hepe ng pulisya diyan, dahil nakasalalay kay Gonzales ang kinabukasan niya. Kaya bang suwagin ni Velasquez si Gonzales, eh isang kumpas lang nito tagpas na ang leeg niya, di ba mga suki? Kaya nararapat lang na sina Querol at Dapat ang sumagupa ng Anti-vice unit ni Gonzales para mawala ang suspetsa ng taga-Mandaluyong na hokus-pokus lang ang gagawing raid sa mga pasugalan diyan. He-he-he! Pasasaan bat lulutang at lulutang din ang katotohanan.
Hanga na sana ang Taga-Mandaluyong sa kaliwat kanan raid na isinagawa ng anti-vice unit ni Gonzales sa mga pasugalan diyan nitong nagdaang mga araw.
Subalit nandiri sila nang mabalitaan nila sa mga kapitbahay nila na itong mga raid pala ay para lang ipasara ang kapitalista at ang pumalit naman ay ang mga kakampi nila.
Ayon sa taga-Mandaluyong, ang kasosyo ni Espinosa sa ngayon sa pagpatakbo ng bookies ng karera, lotteng, ending at iba pa ay si SPO3 Richard Chito Masilang, ng follow-up section ng pulisya.
Alam daw ni Masilang ang kalakaran sa pasugalan dahil dati siyang kolektor ng intelihensiya ng Mandaluyong police. At ang kolektor naman ng anti-vice unit ni Espinosa sa iba pang kapitalista ay si Onyok Alvaran, anang taga-Mandaluyong.
At bilang katugunan sa hamon ni del Corro, nagpadala na rin ako ng espiya sa Mandaluyong para abutin kung saan ang puwestong hawak nina Espinosa at Masilang pati na ang tumatayo nilang kabo. Si Mayor Gonzales, wag na nating antayin na mag-action yan laban sa mga tauhan niya dahil mukhang may basbas niya ang money-making ventures ng anti-vice unit. Ang tanong sa ngayon ng taga-Mandaluyong ay kung sino si Bartolome na umanoy padrino ni Espinosa? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest