Kaso ng lupa

UPANG palawakin pa ang kanilang lupa sa isang housing project, hiniling ng isang sekta ng simbahan (BC) sa National Housing Authority (NHA) na bilhin pa ang lots 4 and 7 matapos nilang mabili na ang lots 1, 2, 3, 18, 19 at 20 sa Block C-3 CL. Pumayag ang NHA at inabisuhan ang GBC na mag-file ng aplikasyon. Pinayuhan ang NHA at inabisuhan ang GBC na mag-file ng aplikasyon. Pinayuhan din ang GBC na huwag pabayaan ang pagbabayad nila sa ibang loteng nabili. Samantala, pinayagan rin ng NHA field office ang GBC na okupahan ang dalawang lote at maglagay ng mga ‘‘improvements’’ doon matapos isulat sa kapirasong papel ang presyong P90/sq. m. o may kabuuang P55,350.00 para sa dalawang lote. Ngunit makaraan lang ng apat na taon naaprubahan ng pormal ang pagtinda ng lupa sa GBC sa pamamagitan ng isang Board Resolution 2126 kung saan ang nakasaad na presyo ay P700/square meter o P430,500.

Kaya nang ibinigay ng GBC ang P55,350 na presyong unang tinakda ng field office, tinanggihan ito ng NHA dahil wala pa raw nabubuong kontrata sa pagitan nila kaya’t maari nilang ipagbili ang lupa sa kasalukuyang presyong umiiral sa merkado. Sinang-ayunan ng Regional Trial Court (RTC) ang NHA at sinabing wala pa ngang kontratang nabubuo kaya dapat ibalik ng GBC ang lots 4 at 7 at magbayad ng renta sa kanilang pag-ookupa. Ayon naman sa Court of Appeals (CA), makatarungan lang na ipagbili ng NHA ang mga lote sa GBC sa halagang P700/square meter ayon sa board resolution 2126 na hindi pa naman inuurong. Hindi na raw maaari pang magtakda ng ibang presyong umiiral sa merkado ang NHA Tama ba ang CA?

MALI.
Walang hadlang sa NHA na ipagbili ang lots 4 at 7 ayun sa presyong umiiral, kahit hindi binabawi ang resolution 2126. Hindi pa rin naman tinatanggap ng GBC ang nasabing presyo na tinakda sa nasabing board resolution. Kaya wala pang kontratang nabubuo sa pagitan nila kung saan maipatutupad ng GBC na ipagbili sa kanila ng NHA ang mga lote sa presyong P700/sq.m. (NHA vs. Grace Baptist, G.R. 156437, March 1, 2004).

Show comments