SSS, GSIS members ipit sa powerplay sa PCI Bank
July 23, 2005 | 12:00am
HINDI matapos-tapos ang labanan sa kontrol ng Equitable PCI Bank sa pagitan ng majority stockholders na kinabibilangan ng GSIS at SSS at ng isang minority stockholders na siyang may control sa board ng banko.
Anang mga nagnanais makuha ang control sa board, kataka-taka na ang Equitable Card Network ng banko na may 1.2 milyong card holders, ay may kita lamang na katumbas ng 400,000 card holders ng isang maliit na credit card company batay sa deklarasyon ng minoryang investors.
Kabado tuloy ang mga empleyadong kasapi sa SSS at GSIS sa kanilang pondong nakalagak sa EPCIB. Itoy matapos sumabog ang balita na posibleng "ginagatasan" diumano ng isang pamilyang investor sa banko ang naturang pondo.
Ang hinala ng mga majority shareholders ipinaglalaban "to death" ng naturang pamilya ang kontrol sa naturang korporasyon para tuloy-tuloy at hindi nahahadlangan ang kanilang palsong ginagawa.
May katuwirang mabagabag ang mga GSIS at SSS members. Mantakin mong baka ang perang pinagpaguran nila sa mahabang taong pagtatrabaho ay baka bigla na lang malusaw.
Sa ginanap na stockholders meeting noong Martes, sinikap ng SSS at GSIS sa pangunguna ni GSIS chief Winston Garcia na makuha ang mayorya sa board. Pero balita natin, ipinagpilitan ng naturang co-investors, ang paghalal ng sarili nilang board para mapanatili ang paghahari sa banko.
Ang akusasyon ng majority stockholders, posibleng "hinuhuthot" ng ibang kompanya ng naturang pamilya ang pera ng mga GSIS at SSS members sa pamamagitan ng mga behest loans na wala nang bayaran. Wala daw itong kaibhan sa di pagbabayad sa P16 bilyon na kanilang "inutang" sa PCIB bilang share nila sa acquisition ng naturang banko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended