"Si Ulep, si Frank at si Cory..."
July 22, 2005 | 12:00am
LUMABAS SA AMING SISTER TABLOID NA PM NUNG MARTES ANG ISANG NEWS ARTICLE NA HINIHINGI NG ISANG GRUPO SA ISANG AGENCY NA ANG MGA BATA DAW NI FG AY DAPAT NG SIBAKIN
"
Sinabi ni Joel Amores, Pangulo ng Land Registration Authority Employees Association (LRAEA) na bagamat wala na sa bansa si First Gentleman Mike Arroyo ay nanatili naman nakapwesto ang mga bata nito partikular na si Land Registration Authority Administrator Benedicto Ulep.
Ayon din dito kay Amores, itong si Administrator Ulep ay may patong-patong na kaso sa Ombudsman at National Bureau of Investigation.
Tumawag sa akin ang isang taga LRA at mariing pinabulaanan na may mga kaso itong si Adm. Ulep. Nagbigay din siya ng kasagutan sa mga bintang at batikos mula sa pangulo ng nasabing employees association na si Joel Amores.
Nabasa daw nila ang release sa PM tungkol sa mga pinagsasabi nitong si Joel Amores at nais lamang nilang linawin ang ilang mga bagay na sinabi nitong taong ito.
Nais nilang ilabas ang katotohanan sa mga pinaggagawa nitong si Amores.
Ang mga empleyado mismo ng Land Registration Authority (LRA) ay nagrereklamo na pakiramdam nila silay naaabuso at nagagamit ni Joel Amores, at pati na rin ang posisyon niya bilang presidente ng Land Registration Authority Employees Association (LRAEA). Ginagamit daw ang pangalan ng Asosasyon at ginagawang sangkalan sa pagbanat nitong si Amores. Umakyat na raw ang hangin sa ulo ang kapangyarihan dito kay Amores ayon sa aking source.
Ang kanyang mga statements sa media diumano ay hindi na niya kinokonsulta sa mga officials ng asosasyon na kanyang pinamumunuan.
Matindi lang ang galit daw nitong si Amores sa Administration ng LRA sapagkat nawalan daw ito ng "kita" (si Amores) ng tanggalin ang Canteen sa LRA. Ito ang dahilan kung bakit pinepersonal nitong si Amores si Administrator Ulep dagdag nitong aking kausap.
"Ang katotohanan dyan, si Amores ang merong mga kaso sa Ombudsman kaugnay sa mga follow-ups na ginagawa nitong personal sa Registry of Deeds. Lumalabas kasing "fixer" (diumano) itong si Amores ng mga kaso, mga lupang may kaso at ginagamit niya ang pagiging presidente niya ng panakot upang madaling makuha ang gusto niya," sabi ng isang insider.
Mga kaibigan, madali namang maverify ang mga alegasyon ng dalawang kampo na nagbabangayan dyan sa LRA. Kung meron ngang mga kaso itong si Amores sa Ombudsman, lalabas din ang katotohanan.
SA ISA NAMANG DESISYON ng Senado, idineklarang CONTEMPTUOUS ang mga inasal nitong si Atty. Frank Chavez nung duro-duruin niya itong si Sen. Richard "Da Flash Dick" Gordon nung huling pagdinig ng senado tungkol sa mga testigo sa Jueteng.
Matatandaan na sinulat ko nung isang linggo ang tungkol sa mapormang abogado (bagamat kaibigan ko) itong si Frank at ang kanyang ginawa was not only out-of-order by way out-of-line.
Inuulit ko na ang mga inasal nitong matalinong abogado was a ploy to stop Sen. Gordon from pursuing his line of questioning.
Nasa kainitan ng pagtatanong itong si Sen. Gordon at alumpihit naman itong si Sandra Cam sa kanyang mga isasagot ng biglang magwala itong si Atty. Frank.
I must admit that si Frank save the day for his witness.
Ngayon na na-cite for Contempt itong si Frank Chavez, pagbabawalan siya ng senado na tumayo bilang legal counsel ni Sandra Cam o ng sinumang testigo na maaring humarap in the future sa mga Senate hearings.
Malugod namang tinanggap ni Frank ang desisyon ng Senado na inanunsyo ni Sen. Manny Villar tungkol sa isyu ng Contempt.
Matapos lumantad itong si Sandra Cam, biglang naging national figure na ito dahil sa kanyang pambubunyag sa mga nalalaman niya tungkol sa jueteng. Bakit hindi naman sisikat, akusahin mo ba naman ang Arroyo family, sina First Gentleman, Mikey at Iggy Arroyo na tumatanggap ng jueteng money, sisikat ka rin.
Pakiramdam nito na maari siyang maging another Chavit Singson sakaling mapatalsik sa pwesto si PGMA.
Nung isang araw laman ng mga balita na nawawala raw ang 17-yr-old na anak nitong si Sandra Cam at ang bilis naman naglabasan ng mga balita na maaring dinukot ito dahil sa ginagawang pagbubunyag nitong si Sandra tungkol sa Jueteng.
Nakakatawang malaman na hindi pa lumilipas ang 24-hours lumabas ang totoo sa balitang pagkawala nitong anak ni Sandra.
Natatakot lang pala itong umuwi sa kanila dahil dalawang linggo na itong hindi pumapasok sa kanyang eskwelahan. Ang siste pa nito, umaalis ng bahay yung bata na nakasuot ng school-uniform yun pala hindi naman pumapasok.
Simple lang naman pala ang kaso. Mukhang drinop ito sa eskwelahan due to absences kaya nadesisyunan nung anak nya na wag munang umuwi. Malinaw na natatakot lang yung bata. Mabuti naman ganun lang ang pangyayari.
Ang bilis naman kasing sakyan ang mga isyu ng mga opportunists sa mga panahong ito. Konting bagay lang pinalalaki na at may halong intriga pa. May paiyak-iyak pa sa telebisyon!
NAIS KO LAMANG tanungin kung ano na ba ang nangyari sa Task Force Luisita at ano na ba ang kinalabasan ng kanilang imbestigasyon tungkol sa mga magsasakang namatay nung madugong demostrasyon na nangyari ilang buwan pa lang ang nakalilipas.
Nagretiro na si General Reynaldo Velasco at matagal ng naaagnas ang mga bangkay ng mga biktima subalit magpahanggang ngayon, wala pa rin hustisya natatanggap ang mga namatay sa lupain ng mga Cojuangco na matagal na dapat sinailalim sa COMPREHENSIVE AGRARIAN LAND REFORM PROGRAM (CARP).
Narito ngayon si dating President Corazon Aquino na hinihiling kay PGMA na magbitiw ang make the SUPREME SACRIFICE para sa bayan.
Dapat sana, sa pangunguna ni Cory Aquino magpakita rin silang mga Cojuangco ng halimbawa na may malasakit sila sa mga maliit nating mga mamamayan na isailalim na sa CARP ang Hacienda Luisita na dinilig ng dugo ng mga magsasaka.
"Bago ka makialam sa problema ng bayan at hingin na magsakripisyo ang ibang tao, dapat ang pamilya mo muna! Ilang taon na naming hinihingi na ipamahagi ang malawak na lupain ng hacienda sa mga maliliit na nagsasakripisyo at nagsasaka dito," mensahe ng isang magsasaka mula sa hacienda nila Cory Aquino.
Naalala ko nuon na laging sinasabi ni Cory Aquino nung siya ay presidente, "LEADERSHIP BY EXAMPLE.." Sige nga, Tita Cory, isailalim nyo sa CARP ang Hacienda Luisita!
PARA SA ANUMANG COMMENTS O SUGGESTIONS, MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest