Sobra ka bang pawisan?
July 22, 2005 | 12:00am
KAILANGANG magpapawis para sumigla at lumakas ang katawan. Nakagiginhawa na kapag pinagpapawisan. Mapupuna na ang mga taong hindi pinapawisan at walang ehersisyo ay lulugu-lugo at nanghihina.
Kapag pinawisan madarama ang tamang temperatura ng katawan. Sa pagpapawis ay nawawala ang mga toxins sa katawan. Maging ang mga nilalagnat ay bumababa ang temperatura ng katawan kapag pinawisan.
Subalit hindi rin dapat na ipinagwalambahala kapag sobra na ang pagpapawis. Sa labis na pagpapawis maaaring may taglay na karamdaman. Sa sobrang pagpapawis ay nawawala ang maraming asin sa katawan na nagiging dahilan para ma-dehydrate. Ang labis na pagpapawis ay palatandaan din ng goiter at sakit sa puso. Napupuna rin ang mabilis na pagbaba ng timbang na nagreresulta sa pangangayayat. Dahilan din ito ng pagiging iritable. Dahil sa labis na pagpapawis kaya maraming fluids ang nawawala sa katawan kaya ipinapayo ang pag-inom nang maraming tubig at fruit juices.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended