^

PSN Opinyon

Palaisipan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MADALAS may mga bagay tayong hindi nauunawaan sa ating paligid. Bagamat kung tutuusin, at kung minsan, ang mga ito’y madaling maunawaan ng iba. Ganoon din ang naging sitwasyon ng mga alagad ni Jesus, na nakasaad sa Ebanghelyo ni Mateo 13:10-17).

Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, "Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita?" Sumagot si Jesus, "Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa. Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi: "Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa, at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita. Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito; mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Kung di gayon, disin sana’y nakakita ang kanilang mga mata, nakarinig ang kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip, at nagbalik-loob sa akin, at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon."

"Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: Maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito mapakinggan."


Ang mga talinghaga ni Jesus ay maraming antas. Sa tuwing maririnig o mababasa natin ito, parating may bagong kaalamang nakukuha tayo. Kung hindi tayo nababago ng mga talinghaga, pareho lamang mensahe ang ating maririnig. Subalit kung tayo’y nababago nito, bawat pagkakataong marinig o mabasa natin ang talinghaga ay nagsasaad at nagpapahayag ng mga bagong katotohanang hindi pa natin naririnig. Nangangahulugan lamang na kailangan nating laging maging bukas sa mensaheng ipinahahatid sa atin ng mga talinghaga ni Jesus. Sa gayon, ito’y makatutulong sa atin upang baguhin ang ating sarili, unawain ang kalooban ng Diyos upang higit na mapaglingkuran ang mga kapwa.

Tunay ngang tayo’y mapalad, sapagkat binibiyayaan tayo ng mga talinghaga ni Jesus at ng mismong persona niya. Tayo ba nama’y nababago ng mga talinghaga ni Jesus?

BAGAMAT

BAKIT

DIYOS

JESUS

SAPAGKAT

TALINGHAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with