^

PSN Opinyon

High profile criminal balik Pinas

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kababayan natin sa Hong Kong lalung-lalo na ang mga readers natin diyan. Thank you nga pala Dear Readers, you made Pilipino Star NGAYON the number one tabloid newspaper in your place. Mabuhay kayo!

Ang isyu, nag-mistulang importanteng-importanteng nilalang si Calvin de Jesus Tan a.k.a. Calvin Tan Sy nang dumating sa paliparan the other night kasi sinundo kasi ang bida sa Hong Kong nina Cebu Rep. Antonio Cuenco, vice chairman on the House committee on illegal drugs, at Justice Undersecretary Ernesto Pineda samantala naghihintay naman sa NAIA Terminal 2 sina DOJ Secretary Raul Gonzales, PDEA bossing Anselmo Avenido at BI Commissioner Al Fernandez, echetera, echetera.

Nakalaboso kasi si Calvin sa nasabing place matapos siyang madali dahil sa bitbit niyang droga. Sabi nga, talagang malas!

High profile criminal si Calvin may pangalan itong iniingatan sa kanyang hometown sa Mandaue City kasi drug lord pala ito roon. Si Calvin kasi ang sinasabing financer ng clandistine drug laboratory na tinira ng mga ahente ng gobyerno noong 2004 sa Mandaue. P1.3 billion ang worth lang naman ng may 675 kilos na shabu na nakuha todits.

After four days, umiskapo ala-Hello Garci si Calvin for Hong Kong. Dahil sa karma este mali sa droga pala nakalawit ng mga authorities sa Hong Kong si Calvin dahil sa illegal possession of prohibited drugs. Sabi nga, nakalaboso ng 10 months ang kumag!

Naibalik si Calvin sa Pinas dahil sa extradition treaty may kasunduan kasi ang Pinas at Hong Kong government regarding high profile crimes committed doon at dito na sangkot ang isang Noypi or Hong Kong national. Natulog ng isang gabi si Calvin sa NBI headquarters matapos si-yang dumating from Hong Kong pagkatapos ay dinala ito ng mga authorities sa Cebu para doon litisin ang kanyang sin sa government.

‘‘Buti nabalik sa Pinas si Calvin para panagutin sa kanyang kasalanan kung mayroon man,’’ anang kuwagong adik sa istuka ng kabayo.

‘‘Oo nga hindi talaga ito nilubayan ng gobyerno sa kanyang mortal sin,’’ sabi ng kuwagong adik sa floorwax.

‘‘Ngayon nasa bitag na si Calvin makatakas pa kaya ito?’’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mas gusto nga ni Calvin ang makalaboso todits kasi mas madali siyang makatakas?’’ natatawang sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Sige nga kamote subukan natin kung makakaeskapo pa si Calvin.’’

Abangan.

vuukle comment

ANSELMO AVENIDO

ANTONIO CUENCO

CALVIN

CALVIN TAN SY

CEBU REP

COMMISSIONER AL FERNANDEZ

DEAR READERS

HELLO GARCI

HONG

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with