Sapat na ang impeachment
July 21, 2005 | 12:00am
ANO man ang gawin at sabihin ni Presidente Arroyo ay pinagdududahan. Bumuo siya ng "truth commission" upang lumutang ang "totoo" sa mga alegasyon laban sa kanya. Pero ano ang kredibilidad ng isang probe body na ginawa ng taong magpapaimbestiga? Iyan ang dilemma.
Tingin ko, sapat na ang impeachment dahil ang karagdagang grupong sasawsaw ay panggulo na lamang. Tutal siniseryoso na ng oposisyon ang paghahain ng sampung kasong kriminal laban sa Pangulo sa impeachment charge.
We are in the midst of a serious political crisis. Dapat malutas ito nang mabilis because this government was crippled by a spate of scandals we all know by now. Protracting this crisis may result into the nations ultimate collapse.
May text message akong natanggap: "Coming soon. A true-to-life story. A Cine Luisita Films Production. English: Hyatt 10, Tagalog: Sampung Hudas! Parunggit ito laban sa sampung miyembro ng gabinete sa pangunguna ni dating finance Secretary Cesar Purisima na matapos mag-resign ay nanawagan sa agarang pagbibitiw ni Presidente Arroyo. Patama rin kay dating Presidente Aquino na nanawagan din sa pagbibitiw ng Pangulo.
Pabor akong malitis muna ang Pangulo sa pamamagitan ng impeachment. Ngunit dapat igalang ang may ibang pananaw. Kung ang bawat opisyal ng pamahalaan na magbibitiw at mananawagang mag-resign ang Pangulo ay tatawaging traydor, nadarag-dagan ang bilang ng mga "hudas."
Dalawa pang senior advisers kung magkagayon ang naragdag sa hanay ng mga "hudas". Silay nagbitiw at tahasang pinagri-resign ang Pangulo. Itoy sina Vicky Garchitorena, special consultant on good governance at Corazon Guidote, special adviser on investments.
Hindi naman lahat ng umaabandona sa Pangulo ay dapat tawaging traydor. May mga taong may prinsipyo na naniniwalang dapat magbitiw na ang Pangulo. Hindi porket naniniwala silang may-sala ang Pangulo kundi dahil nawala ang elemento ng kredibilidad na mahalaga sa epektibong pagpapatakbo ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended