GMA, sinermunan ni Tita Cory sa Malacañang
July 19, 2005 | 12:00am
ALAM nyo bang may bagong anggulo pala sa pagtungo ni dating President Corazon Aquino sa Malacañang?
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Kapitan Lucio Tan, Ilocos Sur Rep. Grace Singson, Rep. Jackie Enrile ng Cagayan; Paulette Joy See ng Regent Foods; Sonia Cabuyadao at Lindy Kate Casao.
Alam nyo bang sinermonan ni dating President Cory si GMA nang sila ay magpulong sa Malacañang noong July 7, 2005.
Ayon sa aking bubuwit, nagulat si GMA nang sermonan siya ng dating Presidente tungkol sa mga nangyayari ngayon sa kanyang administrasyon. Hindi masyadong detalyado kung paano sinermonan ni Tita Cory si GMA. Pero ang sermonan blues ay ginawa sa harap ng ilang obispo na kasama ni Cory na nagtungo sa Malacañang. Hindi naman umano nagkaroon ng malakas na sigawan kundi nagkaroon lamang ng konting taasan ng boses.
Aba, mahirap nga naman yung pupuntahan ka sa iyong tahanan pagkatapos ay sesermonan ka pa ng iyong bisita.
Ayon sa aking bubuwit, nang magtungo sa Malacañang si Tita Cory at ang mga obispo kasama na ang dating sakristan ni yumaong Jaime Cardinal Sin. Alam na ni GMA kung ano ang pakay ng mga ito sa kanya.
Hindi pa man nakakaupo ang mga bisita ay naramdaman na ni GMA na siya ay pagbibitiwin sa tungkulin. At hindi pa nga nag-iinit sa upuan ang mga bisita, dinakdakan na ni Tita Cory si GMA.
Bagamat masakit sa taynga ni GMA ang mga sinabi ni Tita Cory, pinakinggan naman niya ang ibang sinabi nito kaya lang, hindi na nakumpleto.
Ayon sa aking bubuwit, dahil medyo mainit ang usapan nina Tita Cory at GMA, hindi na umano nakapagsalita ang mga kasamang obispo.
Ayaw nang idetalye ng taga-Malacañang kung ano ang kumpletong pangyayari ng sigawan at sermonan blues ng dalawa sa harapan ng mga obispo.
Ayon sa aking bubuwit, isang Cabinet secretary na kasama sa Hyatt 10 ang nagtungo sa Malacañang.
Siya ay nag-iiyak kay GMA at humingi ng paumanhin sa kanyang pagsama sa mga nag-Hudas kay GMA.
Ayon sa aking bubuwit, kaya pala napasama sa mga nag-resign ang Cabinet secretary ay dahil nagkaroon siya ng "Lapse in Judgment."
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Kapitan Lucio Tan, Ilocos Sur Rep. Grace Singson, Rep. Jackie Enrile ng Cagayan; Paulette Joy See ng Regent Foods; Sonia Cabuyadao at Lindy Kate Casao.
Ayon sa aking bubuwit, nagulat si GMA nang sermonan siya ng dating Presidente tungkol sa mga nangyayari ngayon sa kanyang administrasyon. Hindi masyadong detalyado kung paano sinermonan ni Tita Cory si GMA. Pero ang sermonan blues ay ginawa sa harap ng ilang obispo na kasama ni Cory na nagtungo sa Malacañang. Hindi naman umano nagkaroon ng malakas na sigawan kundi nagkaroon lamang ng konting taasan ng boses.
Aba, mahirap nga naman yung pupuntahan ka sa iyong tahanan pagkatapos ay sesermonan ka pa ng iyong bisita.
Ayon sa aking bubuwit, nang magtungo sa Malacañang si Tita Cory at ang mga obispo kasama na ang dating sakristan ni yumaong Jaime Cardinal Sin. Alam na ni GMA kung ano ang pakay ng mga ito sa kanya.
Hindi pa man nakakaupo ang mga bisita ay naramdaman na ni GMA na siya ay pagbibitiwin sa tungkulin. At hindi pa nga nag-iinit sa upuan ang mga bisita, dinakdakan na ni Tita Cory si GMA.
Bagamat masakit sa taynga ni GMA ang mga sinabi ni Tita Cory, pinakinggan naman niya ang ibang sinabi nito kaya lang, hindi na nakumpleto.
Ayaw nang idetalye ng taga-Malacañang kung ano ang kumpletong pangyayari ng sigawan at sermonan blues ng dalawa sa harapan ng mga obispo.
Ayon sa aking bubuwit, isang Cabinet secretary na kasama sa Hyatt 10 ang nagtungo sa Malacañang.
Siya ay nag-iiyak kay GMA at humingi ng paumanhin sa kanyang pagsama sa mga nag-Hudas kay GMA.
Ayon sa aking bubuwit, kaya pala napasama sa mga nag-resign ang Cabinet secretary ay dahil nagkaroon siya ng "Lapse in Judgment."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 22, 2024 - 12:00am