Matindi ang pagkakasangkot ng ilang gagong taga-DENR sa illegal logging sa City of San Jose del Monte kapalit ng malaking halaga ng pitsa para bigyan ng favor ang mga ibinababang kahoy galing bundok. May ilang gagong taga-Rizal ang sinasabing kasabwat ng mga illegal loggers sa Sitio Ilas, Barangay Isidro CSJDM.
Sana magising si DENR Secretary Mike para magpaimbestiga at hindi maging ningas cogon ito. Ihuhulog ng NGOs ang gagong kasabwat sa illegal logging pero ang hinihingi ng grupo ay kasuhan at ikulong ang mga culprits.
Nagbabasa ka ba DENR Region 3 Ric Calderon, panahon na para mag-usap kayo ni Mike regarding illegal logging sa mga bayan ng Bulacan.
Abalang-abala kasi si Mike sa kade-depensa kay Prez Gloria Macapagal-Arroyo kaya dehins siguro niya nabibigyan ng pansin ang mga milagrong nangyayari sa Bulacan.
Secretary Mike, malalim ang operation sa Bulacan na dapat mong pagtuunan ng pansin. Panahon na para balasahin mo ang mga empleyado mo todits, dehins sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO na sangkot sila o may kinalaman sila sa mga nangyayaring madgik pero for the interest of the government at mga taga-Bulacan, panahon na para sila sipain, este mali, palitan pala.
May eight groups ng illegal loggers ang minamanmanan ngayon ng DENR pero bakit ngayon lang sila umakto? Why? Sino ang protector ng mga illegal loggers?
Mga Scout Rangers kaya na naka-base diyan sa Doña Remedios Trinidad at San Miguel?
Mga Taiwanese kaya o mga bugok na pulitiko? Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit!
Hindi papatayin ng mga kuwago ng ORA MISMO ang isyung ito hanggang walang linaw ang imbestigasyon ng DENR.
Sangkaterba ang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO sa labas at loob ng DENR, for your information mga kamote.
"Kapos ang espasyo ng Chief Kuwago sa susunod na isyu sandamakmak pa ang kuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO sa mga mambabasa ng PSN."