Pero may punto ang grupo ni Navarro. Hindi lang sila sa Makati City ang nakaramdam ng gutom kundi marami pa sa buong bansa natin. Hanggang kailan ang kanilang pagtitiis? Sa totoo lang, gusto rin nina Navarro na magkaroon ng kalutasan ang bangayan ng ating mga pulitiko ukol sa jueteng para naman magkatrabaho naman sila.
Kasi nga, kahit anuman ang kahihinatnan ng Senate hearing sa jueteng, ang tiyak ng grupo ni Navarro ay kasali sila o magkaroon sila ng trabaho kung gawing legal o anuman ang solusyon dito. Pero sa tingin ni Navarro, hindi pa matitigil ang Senate hearing dahil hindi na nakukuntento o hindi pa nakakamit ni Arch. Bishop Cruz ang tunay na pakay niya sa exposé niya sa jueteng. Ang ipinagtataka pa nila, mariing umaayaw si Cruz sa jueteng pero kung tanungin kung ano ang mangyayari sa mga trabahador na madi-displace kapag tuluyang magsara ito, walang maisagot ang obispo. Gusto kaya ng Simbahan na gutumin ang mga mahihirap para umalsa laban kay President Arroyo? He-he-he! Hindi naman siguro dahil ayaw naman ng Simbahan na suportahan ang panawagan ng maraming sector na mag-resign si GMA, di ba mga suki?
Sa pagkahuli ng mga bataan ni Supt. Sotero Ramos ng RISOO ng NCRPO sa tatlong jueteng bet collectors, aba sinibak kaagad ni Querol si C/Insp. Alejandro Alinsanco, ang hepe ng PCP 8 sa Bgy. Comembo. Inutusan din ni Querol si Sr. Jovy Gutierrez, ang hepe ng Makati police, na mag-explain in 24-hours kung bakit hindi siya dapat parusahan sa lapses niya. Ang hepe naman ng intelligence ng Makati police na si Supt. Eduardo Bernardo ay binigyan ng stern warning ng NCRPO chief.
Pero mukhang matunog si Gutierrez dahil nag-leave siya para ma-selebra ng kanyang 55th birthday noong Martes at Miyerkules kung saan may malakihang rally sa Makati City na pinamumunuan ng amo niyang si Mayor Jejomar Binay. He-he-he! Maliwanag na iwas-pusoy si Gutierrez. No mga suki? Ayaw lang niyang maipit sa mga nag-uumpugang bato!