^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isagawa ang reporma nang pagkatiwalaan

-
MALUBHA ang political crisis na nangyayari sa bansa sa kasalukuyan. Mula nang aminin ni President Arroyo na siya ang babae sa na-wiretapped na conversation nila ng Comelec official, naging mabuway na ang bansa at bumulusok ang peso. Ang Ayala na sentro ng pangangalakal ang pinagdarausan ng mga rally. Hinihiling na bumaba sa puwesto si Mrs. Arroyo. Pero ayaw niyang bumaba.

Palubha nang palubha ang sitwasyon at kung hindi mapipigil, kawawa ang kahahantungan ng bansang ito. Magsisilayasan ang mga foreign investors at walang ibang kawawa kundi ang mga Pinoy mismo. Marami ang mawawalan ng trabaho. Marami ang hindi na kakain ng tatlong beses at tiyak nang darami pa ang maghahalungkat sa basurahan. At kung laganap ang kahirapan at kawalan ng trabaho, tataas ang bilang ng krimen.

Hindi lamang ang pagtamlay ng ekonomiya bunga ng paglayas ng mga investors ang nakapangangamba kundi pati na rin ang pagkawala ng tiwala ng mga banko para pahiramin ang bansa. Sino ba ang magtitiwalang pahiramin ng pera ang bansang bugbog-sarado sa kaguluhang pulitikal? Wala! Sigurista ang mga nagpapautang. Kailangan ay makita nilang may naisasagawang reporma ang bansang kanilang pinauutang. Gusto nilang makita ang progreso ng bansang kanilang pinautang.

Nagbanta ang Asian Development Bank (ADB) na hindi nila pauutangin ang Pilipinas hanggat hindi binibilisan ang pagsasagawa ng reporma. Sa loob ng sunod na tatlong taon ay hindi umano pahihiramin ng ADB ang Pilipinas kapag hindi naisulong ang reporma para maiangat sa kahirapan ang bansa. Mahigpit ang sinabi ni ADB vice president Joseph Echenberger na kailangang magkaroon nang malalim na pagbabago sa Pilipinas kundi ay isususpinde nila ang pagpapautang dito.

Ang banta ng ADB ay hindi dapat ipagwalambahala ng gobyerno. Hindi magbabanta ang ADB kung wala silang nakikitang kabagalan sa pagsasagawa ng reporma.

Kahit hindi direktang sinabi, sa himig ay nawawalan ng tiwala ang ADB sa Pilipinas. Nakasalalay kay Mrs. Arroyo kung paano maibabalik ang tiwala at nang mapautang ng ADB. Madaliin ang pagsasagawa ng reporma. Isulong ang mga proyekto na makatutulong sa pag-angat ng kalagayan ng mahihirap. Lupigin ang corruption.

ADB

ANG AYALA

ASIAN DEVELOPMENT BANK

JOSEPH ECHENBERGER

MARAMI

MRS. ARROYO

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with