Paano pa pamumunuan ang bansa?
July 12, 2005 | 12:00am
MATINDI ang panawagan para magbitiw si President Gloria Macapagal Arroyo. Pati mga kaalyado at mga pinagkakatiwalaang tauhan ay nagsilisan na at ang hinihingi ay ang pagbibitiw niya. Sino ang mag-aakala na tatalikuran siya nina Finance Sec, Cesar Purisima at Social Welfare Sec. Dinky Soliman? At pati si dating President Aquino?
Subalit kahit marami ang nanawagan na magbitiw siya, ang kanyang sagot ay hindi siya magre-resign. Patuloy pa rin niyang pamumunuan ang bansa. Pero papaano niyang pamumunuan nang maayos at epektibo ang pamahalaan kung nawala na ang kredibilidad at hindi na pinagkakatiwalaan ng taumbayan?
Sino ang mga magiging katulong niya kung ang mga dating sinasabi niyang magagaling na mga technocrats ay nag-alisan na? Oo ngat pinalitan na niya ang mga nagsipag-resign na miyembro ng Gabinete, subalit ang mga ipinalit naman niya ay mga second stringers ng mga departamento at ahensiya. Kung kukuha naman siya sa labas, baka mahirapan siya. Sino ba naman ang gustong sumakay sa lumulubog na barko?
Kahit na gusto kong isipin na huwag na sanang maulit pa ang mga nangyari noon kay Erap, mukhang malaking posibilidad na mauulit na naman ang kasaysayan. Malamang na wala nang panahon na makaahon pa si GMA sa kanyang kinaroroonan.
Isa ako sa mga nanawagan noon kay GMA supilin kaagad ang mga hindi magagandang nagaganap sa gobyerno. Ngayon, too late the hero na.
Naniniwala ako na marami pa rin ang ayaw mapariwara si GMA. Nasisiguro kong marami na ang nagbibigay sa kanya ng mga payo na katulad nina dating Presidente Aquino at Ramos, mga Obispo at mga hindi political na grupo na ang tanging hangarin ay makatulong at maisalba ang bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am