^

PSN Opinyon

Dapat kumilos si Kabayan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAHIL ay hindi na nakakatulog ngayon si Kabayang Noli de Castro hindi dahil sa siya ay gumawa ng kasalanan o nasasangkot sa isang krimen kundi dahil siya ang nakaupong Vice President.

Batay sa Constitution, ang Vice President ang dapat pumalit kapag nag-resign o natanggal ang Presidente.

Bilang na raw ang oras ni President Gloria Macapagal Arroyo. Kumalas na ang karamihan sa mga miyembro ng kanyang Gabinete. At kapag nagbitiw si GMA, si Kabayan ang papalit sa kanya. Subalit, may mga sektor na ayaw kay Kabayan dahil sa kasama raw ito sa administrasyon ni GMA na ayaw nila ang ginagawang pamamalakad. Nais nila na kumalas muna si Kabayan bago itulak na kapalit ni GMA.

Marami ang umaasa na mapapatalsik si GMA kaya inuudyukan nila si Kabayan na sumama na sa kanila sa kanilang adhikain. Naniniwala silang ito ang pinakamabilis at pinaka-legal na pamamaraan subalit, alumpihit pa rin si Kabayan. Hindi pa rin nito malaman kung susundin niya ang ginawa ni Gloria nung ito ay bise presidente pa ni Erap o maghahalukipkip na lamang.

Naniniwala ako na masusi nang pinag-aaralan ni Kabayan at ng kanyang mga advisers kung ano ang mga gagawin niyang hakbang. Alam ni Kabayan na dapat na siyang kumilos sapagkat baka mahuli siya sa biyahe.

vuukle comment

ALAM

BATAY

BILANG

ERAP

GABINETE

KABAYAN

KABAYANG NOLI

NANINIWALA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with