Wala kasi silang kamalay-malay na may pasasabugin na underground train ang mga galamay ni Osama bin Laden. Isang Pinay ang nasama sa incident pero ligtas toits.
Nagulat ang buong mundo sa pangyayari porke dalawa sa pinakamakapangyarihan bansa sa mundo ay binaboy o sinisiw ng mga terorista.
Remember 9/11 sa US of A!
Napikon kaya ang mga terorista dahil hindi sa bansa nila gagawin ang 2012 Olympics?
Hindi kasi sinama ang mga terorista sa Olympics kaya gumanti sila sa buwisit sa mga organizer. He-he-he! One day after pinili ang London para sa 2012 Olympics ay bumanat ang mga terrorist.
Nakakapangilabot ang pangyayari hindi puwedeng biruin ang bansa ni James Bond at maging ang US of A, pagdating sa intelligence gathering pero nabukayo sila ng mga alipores ni Osama bin Laden.
Kaya hindi puwedeng magpa-bright-bright dito sa Pinas kahit subok ang tindi ng isyung Hello Garci.
Nagpapasalamat pa rin ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Maykapal at nalihis ang Pinas sa lupit ng mga terorista.
Wala kasing sinasanto ang mga terrorist mapabata o matanda, may buhok o kalbo, may ngipin o bungal, pogi o pangit, may baktol o wala basta bumanat ang mga kampon ni Satanas tiyak may paglalagyan.
Hindi ba kayang lipulin ang mga terorista? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Fundamentalist kasi ang mga ito, anang kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Bukod sa tindi ng paniniwala sa kanilang conviction ay may pera pa sila, sabi ng kuwagong alipores ni Abu Sayad.
Diyan kamote korek ka!