Ang Montreal Protocol, isang international environmental agreement na sinusuportahan ng mga bansa sa buong mundo kabilang ang Pilipinas ay nabuo upang mapigilan ang produksyon ng mga ODS tulad ng chloroflourocarbon o CFCs.
At bilang pagtugon ng bansa tungkol sa kasunduan na ito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagbigay ng mahigit sa $1 milyong halaga ng ozone-savig equipment sa Technical Education and Staff Development Authority (TESDA). Galing ang pondo na ipinambili ng mga equipment sa World Bank na siyang namamahala sa Multilateral Fund ng Montreal Protocol.
Kabilang sa ipinamahaging 1,500 units ng refrigeration at airconditioning equipment ay ang recovery ng recy-cling machine, refrigerant identifier, vacuum meter, digital charging scale, electronic leak detector, at iba pa.
At lahat ng mga kagamitan na ito na ipinamahagi sa TESDA sa may 150 public at pribadong training institutions kabilang ang 14 regional training center ng TESDA ay makakatulong ng malaki upang mapagyaman pa ang kapabilidad ng mga technicians na may kinalaman sa refrigeration and airconditioning (RAC) at mobile airconditioning (MAC) service industries. Sa paraang ito, maiiwasan at mababawasan ang maling paggamit ng CFC na itinuturing na ozone-depleting substance.
Ang pamahalaan ay itinakda na tuluyan ng maphase-out ang paggamit ng CFCs sa bansa sa taong 2010.