^

PSN Opinyon

Pangungulimbat sa kawawang guro

SAPOL - Jarius Bondoc -
BAKIT ba nagiging ugali ng mga kotongerong opisyal na ibulsa ang hulog ng government employees sa GSIS? Kamakailan lang, sinentensiyahan ng Sandiganbayan ang isang mayor at municipal treasurer sa Abra ng 25 taon na kalaboso dahil sa di pag-remit ng P889,000-GSIS premiums na kinaltas sa municipal employees. Ngayon naman, tumataginting na P969 bilyong kinaltas din sa mga guro ng Autonomous Region of Muslim Mindanao ang tinangay ng education department officials nila nu’ng 1997-2003.

Plunder ang ikakaso sa sinumang lilitaw na nangulimbat, ani Justice Undersecretary Macabangkit Lanto, dahil mahigit P50 milyon ang halaga. Malamang na may nagkutsabahan at nagtago ng pera sa pamamagitan ng serye o kombinasyon ng krimen – mga elemento ng plunder. Walang bail habang nililitis ang gan’ung sakdal, at habambuhay na kulong o bitay ang parusa.

At dapat lang. Biruin niyo, maraming taon ding hindi makautang sa GSIS ang mga guro at kawani sa ARMM-DepEd. ‘Yun pala ay wala silang record sa mutual provident fund ng lahat ng government employees. Hindi rin sila makakubra ng benepisyo kung nagkasakit o namatayan. At malamang na wala silang makukubra sa pagretiro.

Malaon nang batid na ang gulo sa Muslim Mindanao ay hindi sanhi ng paghahari ng mga Kristiyano, kundi ang pang-aabuso mismo ng mga pinunong kapwa-Muslim. Walang kinalaman dito ang relihiyon, ani Datu Ibrahim Paglas ng bayan sa Mindanao na pinangalan sa kanyang ama. Ang ugat ng suliranin nila ay ang piyudal na asal ng mga datu na animo’y pag-aari nila ang buhay ng mamamayan. ‘Yan na nga ang nangyari sa ARMM-DepEd, kaya pinaglaruan ng mga opisyales ang pera ng maliliit.

Ani ARMM Gov. Parouk Hussin, na DepEd secretary din, minana lang niya ang problema mula kay dating DepEd chief at Vice Gov. Mahid Mutilan. Tumakbo ang huli para gobernador ng Lanao del Sur nu’ng 2003. Pero bago pa ‘yun, sinadyang mag-appoint ang mga pinuno ng mga guro na wala namang eligibility. Ito’y sa balaking huthutan sila ng perang GSIS.

ABRA

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

DATU IBRAHIM PAGLAS

JUSTICE UNDERSECRETARY MACABANGKIT LANTO

MAHID MUTILAN

MUSLIM MINDANAO

PAROUK HUSSIN

VICE GOV

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with