Kabi-kabilang reklamo ang aming natanggap sa kaparehong modus na aming natuklasan sa loob ng Nissan Mania.
Isang ginang na nagmamay-ari ng sasakyang Nissan ang lumapit sa aming tanggapan upang ipaalam ang kalokohan ng isa na namang outlet ng sasakyang nabanggit, ang Nissan Shaw Boulevard.
Inireklamo ng lumapit na ginang ang kanyang Nissan Grandeur na pina-service sa Nissan Shaw Boulevard.
Nalaman daw ng ginang na ito mula mismo sa mga technician sa loob ng Nissan Shaw Boulevard na surplus ang ikinabit na backdoor sa kanyang sasakyan. Agad naman itong pinalitan ng kanya itong ibinalik.
Pero ang siste, hindi natuto ang mga magugulang na mga empleyado ng Nissan Shaw sa kanilang nabistong modus dahil surplus pa rin ang kanilang ipinalit. Bukod pa dito, maging ang head light at tail light na kanilang ipinalit ay surplus din.
Alam ng BITAG na hindi lamang sa Service Center ng Nissan nangyayari ang ganitong sistema. Maaaring sa iba ay umiiral din ang ganitong kalakaran at sadyang nakakalusot dahil na rin sa pagsasawalang bahala ng kanilang pamunuan.
Para sa lahat, maging mapanuri sa mga bagay na inyong pinaseserbisyuhan dahil hindi lamang sa sasakyan nangyayari ang ganitong uri ng pandaraya. Imulat ang inyong mga mata nang makaiwas mabiktima.
Abangan ngayong Sabado ang part 2 ng expose ng BITAG sa mga pandarayang nangyayari sa loob ng Nissan Manila