^

PSN Opinyon

'Surplus...'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAPOS ang "expose" ukol sa ginawang pag-amin ng pamunuan ng Nissan Manila na aming naipalabas sa BITAG nitong nakaraang Sabado, marami ang tumawag at nag-text sa aming BITAG hotline.

Kabi-kabilang reklamo ang aming natanggap sa kaparehong modus na aming natuklasan sa loob ng Nissan Mania.

Isang ginang na nagmamay-ari ng sasakyang Nissan ang lumapit sa aming tanggapan upang ipaalam ang kalokohan ng isa na namang outlet ng sasakyang nabanggit, ang Nissan Shaw Boulevard.

Inireklamo ng lumapit na ginang ang kanyang Nissan Grandeur na pina-service sa Nissan Shaw Boulevard.

Nalaman daw ng ginang na ito mula mismo sa mga technician sa loob ng Nissan Shaw Boulevard na surplus ang ikinabit na backdoor sa kanyang sasakyan. Agad naman itong pinalitan ng kanya itong ibinalik.

Pero ang siste, hindi natuto ang mga magugulang na mga empleyado ng Nissan Shaw sa kanilang nabistong modus dahil surplus pa rin ang kanilang ipinalit. Bukod pa dito, maging ang head light at tail light na kanilang ipinalit ay surplus din.

Alam ng BITAG na hindi lamang sa Service Center ng Nissan nangyayari ang ganitong sistema. Maaaring sa iba ay umiiral din ang ganitong kalakaran at sadyang nakakalusot dahil na rin sa pagsasawalang bahala ng kanilang pamunuan.

Para sa lahat, maging mapanuri sa mga bagay na inyong pinaseserbisyuhan dahil hindi lamang sa sasakyan nangyayari ang ganitong uri ng pandaraya. Imulat ang inyong mga mata nang makaiwas mabiktima.

Abangan ngayong Sabado ang part 2 ng expose ng BITAG sa mga pandarayang nangyayari sa loob ng Nissan Manila…
* * *
Hotline numbers 09189346417 o tumawag 9328919 — 9325310. ‘Bahala si Tulfo’ Monday — Friday, 9:00 — 10:30 am, UNTV 37; simulcast sa DZME 1530 kHz, 9:00 — 10:00 am.

ABANGAN

NISSAN

NISSAN GRANDEUR

NISSAN MANIA

NISSAN MANILA

NISSAN SHAW

NISSAN SHAW BOULEVARD

SABADO

SERVICE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with