Panloloko ng Nissan Manila, inamin matapos mahulog sa BITAG
July 6, 2005 | 12:00am
MATAPOS ang ilang linggong surveillance na isinagawa ng grupo ng BITAG sa Nissan Manila kaugnay ng mga milagrong nangyayari sa loob ng kanilang service center, lumapit at umamin sa BITAG ang mismong General Manager ng Nissan Manila.
Pero ang masaklap sa kabila ng pag-aming ito ng katotohanang hindi alam ng mga nagtiwalang customer ng Nissan Manila ang estilo ng kanilang serbisyo.
Niloloko nila ang kanilang mga kliyente base na rin sa surveillance video na nakuha ng aming mga undercover agent sa tulong na rin ng isang empleyado ng Nissan Manila.
Imbes na orihinal na parte ng nasirang sasakyan mula sa kanilang dealer na Nissan Motor Philippines ang kanilang ipinapalit, mga recycled na surplus at minasilyang parte na sasakyan ang kanilang ikinakabit sa sasakyang ginastusan ng kanilang pobreng kliyente.
Ang masahol pa dito, hindi rin alam ng Nissan Motor Philippines ang pinaggagawa ng kanilang dealer sa Nissan Manila.
Kayat ang resulta, nalulugi ang kanilang kumpanya at tanging ang mga gahamang empleyado ng Nissan Manila ang patuloy na kumikita.
Matapos madiskubre ang kanilang matagal ng bulok na modus na bumibiktima hindi lamang sa mga pobreng kliyente at kanilang insurance company, agad humingi ng paumanhin ang kanilang General Manager na si Rommel Romero.
Ayon kay Romero, handa silang pabalikin at isauli ang mga dinayang parte ng sasakyan ng mga kliyenteng nagtiwala sa kanila.
Responsible rin daw ang kanyang tanggapan sa kahit anong kapalpakan, pagkakamali at kalokohang ginawa ng kanyang mga empleyado sa loob ng Nissan Manila.
Bitag hotline numbers i-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919/9325310. BAHALA SI TULFO, Monday-Friday, 9:00-10:00 am. DZME 1530 KHZ, 9:00-10:30 am UNTV 37.
Pero ang masaklap sa kabila ng pag-aming ito ng katotohanang hindi alam ng mga nagtiwalang customer ng Nissan Manila ang estilo ng kanilang serbisyo.
Niloloko nila ang kanilang mga kliyente base na rin sa surveillance video na nakuha ng aming mga undercover agent sa tulong na rin ng isang empleyado ng Nissan Manila.
Imbes na orihinal na parte ng nasirang sasakyan mula sa kanilang dealer na Nissan Motor Philippines ang kanilang ipinapalit, mga recycled na surplus at minasilyang parte na sasakyan ang kanilang ikinakabit sa sasakyang ginastusan ng kanilang pobreng kliyente.
Ang masahol pa dito, hindi rin alam ng Nissan Motor Philippines ang pinaggagawa ng kanilang dealer sa Nissan Manila.
Kayat ang resulta, nalulugi ang kanilang kumpanya at tanging ang mga gahamang empleyado ng Nissan Manila ang patuloy na kumikita.
Matapos madiskubre ang kanilang matagal ng bulok na modus na bumibiktima hindi lamang sa mga pobreng kliyente at kanilang insurance company, agad humingi ng paumanhin ang kanilang General Manager na si Rommel Romero.
Ayon kay Romero, handa silang pabalikin at isauli ang mga dinayang parte ng sasakyan ng mga kliyenteng nagtiwala sa kanila.
Responsible rin daw ang kanyang tanggapan sa kahit anong kapalpakan, pagkakamali at kalokohang ginawa ng kanyang mga empleyado sa loob ng Nissan Manila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended