^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kikita ang gobyerno sa EVAT pero...

-
MALAKI ang kikitain ng gobyerno sa Expanded Value Added Tax (EVAT) — P160 million isang araw o P5 billion isang buwan. Wow! Kaya nang mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court noong Biyernes, biglang nanghina si President Arroyo at ang kanyang mga economic advisers. Hindi puwede iyan! Mahalaga sa pagbangon ng ekonomiya ang EVAT. Ang makokolekta sa EVAT ang makapagre-reduce sa lumolobong budget deficit at ito rin ang gagamitin sa pagpapatayo ng mga imprastruktura, school buildings, kalsada at mga tulay. Sabi ni Mrs. Arroyo, hindi siya titigil hangga’t hindi inaalis ng Supreme Court ang TRO. Palaban ang dating niya sa desisyon ng SC sa kabila na marami na siyang problemang kinakaharap kabilang ang "GloGarci" taped converstion at ang jueteng payola na sangkot ang asawa, anak at bayaw niya. Marami ang humihiling na magbitiw siya sa puwesto.

Nagkabisa ang EVAT noong July 1. Sa isang iglap ay tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, elektrisidad, toll fee at pamasahe sa eroplano. Naging batas ang EVAT o Republic Act 9337 noong nakaraang buwan. Ang EVAT ay isa sa walong tax measures na isinusulong ni Mrs. Arroyo para mapagkunan ng pondong gagamitin sa pagbangon ng bansa. Kinagabihan, sinuspinde ng Supreme Court ang EVAT at hiniling na i-rollback ang presyo ng petrolyo at i-refund ang binayad na EVAT. Ang naghain ng petisyon para mapigil ang EVAT ay si Congressman Francis Escudero. Labag sa Constitution ang pagpapatupad ng EVAT.

Bahagyang nakahinga ang taumbayang sakal na sakal na sa paghihigpit ng sinturon. Ngayon ay nakikita na apektado ng EVAT ang taumbayan. Walang katotohanan ang sinabi ng gobyerno na hindi "aaray" ang taumbayan. Ipinasa na agad ng gasoline companies sa consumers ang kinubra sa kanilang EVAT. Chain reaction na agad. Sa susunod na taon ay lalong mabigat sapagkat 2 percent ang ikakarga sa EVAT. Magmamahal ang noodles, sardinas, bigas at iba pang pagkain ng mahihirap. Lalong magiging kaawa-awa ang mamamayan.

Kikita nga ang gobyerno sa EVAT pero saan manggagaling ang kikitain. Walang iba kundi sa bulsa ng taumbayang hindi malaman kung paano pagkakasyahin ang kinikita. Babawiin sa kanila ng mga manufacturers ang EVAT na sisingilin ng gobyerno. EVAT ba ganito ang gobyerno? Kung sa halip magpataw ng EVAT, i-improve na lang ang tax collection at dakmain ang mga corrupt na nagpapahirap.

BABAWIIN

CONGRESSMAN FRANCIS ESCUDERO

EVAT

EXPANDED VALUE ADDED TAX

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

REPUBLIC ACT

SUPREME COURT

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with