^

PSN Opinyon

"LTFRB Chairperson Len Bautista, makinig ka!’’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
DALAWANG linggo na ang nakalipas nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Malinta Exit nang mawalan umano ng preno ang bus ng Bagong Silang Transport Services Motor Cooperative (BSTSMC), kung saan anim na katao ang namatay.

Hindi sana mangyayari ang ganitong trahedya kundi dahil sa kapabayaan at kapalpakan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ng nagpapa-cute nilang Chairperson na si Len Bautista...

Nauna nang kinansela ang prangkisa ng BSTSMC, ibig sabihin, wala ng karapatang bumiyahe sa kalsada ang iba pa nilang killer bus.

Bukod pa dito, hindi dumaan sa kahit ano mang safety inspection ang mga bus ng BSTSMC, pero nabigyan pa rin ito ng prangkisa. Patunay lamang na umiiral ang corruption sa Land Transportation Office (LTO) at LTFRB.

Kataka-taka ring may ipinalabas na TRO laban sa kanselasyong ito. Nagfile daw ng motion ang pamunuan ng BSTSMC, kaya naman malayang bumibiyahe ang mga killer bus ng BSTSMC at naghahanap ng susunod na biktima habang patuloy naman ang pagtuturuan ng mga magagaling na tauhan ng Land Transportation Office (LTO) kung sino ang may kagagawan ng himalang ito.

Wala namang ibang isinagot si LTFRB Chairperson Len Bautista kundi "may batas tayo..." kasabay ang pagtataray sa BITAG.

Makinig ka Len Bautista, babaeng staff ng BITAG ang aking ipinadala para magkaintindihan kayo. Dahil sakaling ako ang pumunta sa iyong tanggapan at nag-imbestiga sa iyo, baka hindi mo malaman ang iyong gagawin...

Nagawa pang mambuyo nitong magaling na LTFRB Chairperson. Hindi daw dapat BSTSMC lamang ang aming iniimbestigahan. Mas marami pa daw ang mga kolorum na bus na bumibiyahe sa lansangan.

"Bakit hindi ninyo subukang imbestigahan at inspeksiyunin ang mga bus ng Byron? Sigurado pang sasama ako..." ani Bautista...

Talagang hindi nag-iisip itong si Len Bautista. Ibig sabihin aminado ka na may iregularidad sa mga bus ng Byron pero binigyan ‘nyo rin ng prangkisa? Tsk... Tsk... Tsk...

Sige, dahil sa walang pinipili ang BITAG, pagbibigyan ka namin. Bibisitahin ng BITAG ang Byron at iinspeksyunin namin ang kanilang mga bus, kasama ka.

Pero bago iyon, kailangan mo pa ring magpaliwanag at harapin ang responsibilidad sa pagbibigay ng prangkisa sa mga killer bus ng BSTSMC.
* * *
Hotline numbers 09189346417 - 09278280973 o tumawag 9328919 - 9325310. ‘Bahala si Tulfo’ Monday - Friday, 9:00 - 10:30 am, UNTV 37; simulcast sa DZME 1530 kHz, 9:00 - 10:00 am.

BAGONG SILANG TRANSPORT SERVICES MOTOR COOPERATIVE

BSTSMC

BUS

CHAIRPERSON LEN BAUTISTA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEN BAUTISTA

MALINTA EXIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with