^

PSN Opinyon

Tooth implant

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NASAKSIHAN ko ang ginawang tooth implant ng leading orthodentist na si Dr. Noel Velasco (Novel) sa isang kaibigan. Bago mag-tooth implant makailang beses na kinunan ang pasyente ng film x-ray na isinagawa ng assistant ni Dr. Novel na si Dr. Alma A. Florida. Si Dr. Novel mismo ang nagpaliwanag ng ginagawang dental procedure. Sinabi niya na kailangan ang film x-ray para makuha ang tamang parallelism. Iba’t ibang posisyon at anggulo, may vertical at horizontal ang kinuhang film x-ray ni Dr. Florida. Doon ko nalaman na hindi ngipin ang iniimplant. Isang screwtype na Sterngold ang itinatanim sa gilagid at dito ikakapit ang pustiso. Sa pamamagitan ng tooth implant hindi na gagalaw at malalaglag ang pustiso na sinusuportahan ng ikinabit na screw type sa gums. Kailangan ang screwtype dahil manipis na ang gilagid.

Humanga ako sa ginawang tooth implant ni Dr. Novel na bukod sa mabilis natapos ay painless at bloodless pa. Malaki ang ipinagbago ng mukha ng aking kaibigan matapos ang tooth implant. Nagkalaman ang humpak na pisngi niya at mukhang bumata siya. Dahil sa tooth implant ay nawala na ang pangamba ng aking kaibigan na mahuhulog ang pustiso niya habang nagsasalita at higit sa lahat nagkaroon siya ng self confidence. Maaaring tawagan si Dr. Novel sa telepono no. 9134947 at 0917-8542274.

vuukle comment

DAHIL

DR. ALMA A

DR. FLORIDA

DR. NOEL VELASCO

DR. NOVEL

HUMANGA

IMPLANT

ISANG

KAILANGAN

MAAARING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with