^

PSN Opinyon

Lihim ng Guadalupe sa Angono

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
TALAGANG ‘‘untouchable’’ itong ‘‘little big man’’ ng Angono. Matapos ang ilang buwang pananahimik sa pagbabaon ng mga toxic waste sa kabundukan ng Binangonan at Angono, balik na naman ito sa kanyang baluktot na gawain.

Karaniwang biyahe ng mga pahinante nitong ‘‘little big man’’ na si Roan ang Tarlac at Subic. Kliyente niya ang mga naglalakihang kumpanya sa lugar na ito dahil bukod sa mga scrap na pangunahing front kuno ng kanyang negosyo, kasabay ding ibinababa patungong Rizal ang mga nakalalasong basura ng mga kompanyang ito.

Pangkaraniwan na ang sari-saring dumi ng pabrika, asbestos, at mga expired na pintura sa mga basurang itinatapon ni Roan sa probinsiya ng Binangonan at Angono.

Wala namang ginagawa at nananatiling pikit mata lamang ang butihing mayor ng Angono dahil maganda naman ang pasok ng negosyo.

Ayon pa sa aming source, ‘‘pinagtatawanan lang si Mayor ng mga empleyado at residente ng Angono tuwing babanggitin niya ang tungkol sa toxic wastes na tila walang alam…’’

Matagal na ang mabantot at nakakalasong modus na ito ni Roan. Sa ngayon, umabot na hanggang sa area ng Bay View sa Angono ang pagtatapon ng nakalalasong toxic wastes dahil ang mga lupang ginawang panambak sa lugar na ito ay produkto rin ng pinaghalong toxic waste at lupa mula sa mga dumpsite ni Roan.

Hindi agad mapaghihinalaan ang mga kalokohan nitong si Roan dahil binabakuran nito ang malawak na lugar kung saan itinatapon ang mga toxic waste. Ginagamit din daw ni Roan ang opisina ng DENR sa Angono at pinalalabas na proyekto ito ng kanilang butihing mayor.

Nasisiguro namin kaunting panahon na lang ang hinihintay upang maranasan ng mga residente ng Binangonan at Angono, maging ng ilang kalapit na bayan ang kalbaryong dulot ng pinagkakakitaan ni Roan at ng kanyang kasosyong si Mayor.
* * *
Hotline number (0918)9346417, 932-5310 at 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. At panoorin ang programang ‘‘Bahala si Tulfo’’ Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

ANGONO

AYON

BAHALA

BAY VIEW

BINANGONAN

GINAGAMIT

MONDAY-FRIDAY

ROAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with