"Pwede ka bang maka-phone pal ?"
June 29, 2005 | 12:00am
SA WAKAS INAMIN NA RIN NI PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO NA SIYA NGA ANG NASA LIKOD NG BOSES SA HELLO GARCI WIRE TAPPED TAPES.
SA ISANG NATIONWIDE BROADCAST NUNG LUNES, ALAS SIETE NG GABI, SI PGMA AY HUMARAP SA TAONG BAYAN AT HUMINGI NG TAWAD PARA SA ISANG "LAPSE IN JUDGMENT.."
KA PHONE-PAL DAW NIYA ANG ISANG COMELEC OFFICIAL.
Ibat ibang opinion ang naglabasan. Gaya ng inaasahan, sabi ng oposisyon
"Bring me the head of Gloria Macapagal Arroyo!" Crying for more blood!
Sino naman ba daw sila para hindi magpatawad. Forgiveness subalit kailangan daw malaman ng sambayanang Pilipino ang buong katotohanan. Kailangan daw malaman ang buong katotohanan sa dayaang nangyari (kung meron nga) nung nakaraang Presidential elections. Hindi daw kompleto ang pahayag ni PGMA dahil hindi binanggit ang pangalan ng Comelec official na kausap niya. Kaya hindi daw mabanggit na si Virgilio Garcillano ang kausap ay dahil "notorious" daw ang taong ito sa DAGDAG-BAWAS sa mga elections.
Marami ng taong ininterview at nagbigay ng kanilang kuru-kuro tungkol sa mga sinabi at hindi sinabi ni PGMA. Hindi na bago sa inyo yan. Marami na rin sa atin ang gumawa ng sariling konklusyon tungkol sa napanood natin nung Sabado ng gabi,
Iba naman ang aking gustong talakayin sa aking artikulo ngayong araw na ito.
Allow me to give my unsolicited observations sa napanood ko sa telebisyon.
In my years of being a Director, I must admit that it was well directed. The mood was serious but not gloomy.
Nagbukas ang frame na naka Medium Shot si PGMA. Kalahating katawan ang kuha. Sa may bandang kaliwa, sa likuran niya makikita ang mga litrato ng kanyang mga apo. Sa upper left hand corner (sa balikat ni PGMA) makikita ang Presidents Seal Sagisag ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa bandang kanan sa may likuran pa rin niya makikita ang Bandila ng Pilipinas.
Magaling ang production design at ginamit ng director (to the hilt) ang pagkakwadro nito. (Hindi naman kaya si Lupita K. ang director nito?)
Sa unang mga linya ng announcement ni PGMA naiwan na ganun ang frame sa television. Medium shot ng nagsasalita si Gloria ng "Mga minamahal kong kababayan. For the last several weeks, the issue of the tape recordings has spun out of control. Tonight, I want to set the record straight. You deserve an explanation from me, because you are the people I was elected to serve. As you recall the election canvassing process was unnecessarily slow ."
Lahat ng ito medium shot ang kuha sa kanya at ang kwadro na makikita sa tv screen ay ang nabanggit kanina. Pagdating sa bandang portion ng " As I mentioned, the election had already been decided and the votes counted .the camera started to slowly, very slowly zooming in until it reached a CLOSE UP of the president.
Mahinahon ang kanyang pananalita. Dumating sa punto ng humihingi siya ng tawad na I could swear her voice started to quiver and shake. Misty eyed subalit hindi pumatak ang kanyang luha. Napakagandang performance. A sterling performance. Hindi siya pwedeng umiyak dahil presidente siya. Pero hindi rin masama na magpa-lungkot face siya!
Matapos na humingi siya ng tawad, ang camera slowly na nagzoom-out muli para makita ang dating kwadro. Dun yata sa portion ng " I took the office with a mandate to carry out a plan for the nation. Since that time I have focused on making the tough but necessary decisions "
Nakabalik na sa dating kwadro ang frame ng matapos ang mga sinasabi ni PGMA na "I ask you to walk with me to this journey to rebuild this great nation "
At sa kanyang pagtatapos, Ngumiti si PGMA ng mala Nora Aunor smile, kumpleto ng kanyang nunal. Hindi ngiting-ngiti, yung tamang ngiti lang.
Again sinasabi ko ang aking unsolicited opinion na magaling ang pagkadirehe ng director nung maikling paglabas ni PGMA sa telebisyon nung Lunes.
Yung litrato ng mga apo niya represented not only her family, kundi ang lahat ng kabataan na ang future ay nakataya during these trying times. Hindi lamang dahil sa ekonomiya kundi para sa survival ng administrasyon niya.
Yung Presidents Seal na Sagisag ng kanyang kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ng Konstitution na ayon sa kanya nanalo siya sa isang malinis na maayos na halalan. Ang Philippine Flag ay nagsisimbolo ng katatagan ng ating buong bayan, Ang Democrasya. Nasa likod niyang lahat yan ng may dahilan.
SUBLIMINAL MESSAGE na nais ipahiwatig sa ating mga kababayan. Sa lahat ng Pilipino saan man sulok ng daigdig.
Maganda ang delivery ni PGMA. Hindi bumukaka ang boses niya. Well modulated. Mukhang sincere ang kanyang paghingi ng patawad. Isang bagay lang ang nakakagulo sa akin.
Paghumihingi ka ba ng tawad kailangan may basahin ka? Aba, kahit anong gawin niya, halatang binabasa niya ang kanyang mga sinasabi mula sa isang IDIOT BOARD (TV jargon) o teleprompter. Hindi bat kung galing sa puso ang paghingi ng tawad hindi na kailangan irehearse o basahin? Spontaneous at kusang lumalabas mula sa ating bibig yan. Napansin nyo ba ang aking mga sinasabi?
Matagal na ako sa trabahong ito. Dapat hindi na gumamit ng teleprompter at extemporaneous o unrehearsed ang kanyang paglabas at paghingi ng tawad.
Dyan magaling si dating Pres. Ferdinand E.Marcos. Maikli lamang ang sasabihin ni PGMA, ginamitan pa ng idiot board. Hindi tuloy nagmukhang sincere sya.
Natakot yata na magkamali siya o may makalimutang sabihin.
Mga mambabasa ng "CALVENTO FILES" hindi ko rin maawat ang aking sarili na magreact sa mga sinasabi ng mga kaalyado ni PGMA na "it was a bold and brave move on the part of the President to ask for forgiveness and admit na siya nga yung nasa wire tapped tapes."
MGA SIPSIP kayo dyan! Did she have any other choice?
Hindi bat ang buong bayan pati na rin ang mga taga ibang bansa alam na siya na nga yung kausap ni Garci sa tapes? She had no choice kundi gawin yun para maibsan ang umiigting na galit sa damdamin ng mga Pilipino.
Ang paglabas ba ni PGMA was a para ma preempt ang pagpapatugtog ng tapes sa mga hearing sa Kongreso? Ngayon na may umaamin na kanyang boses ang nasa tape, tama na ngayon ang sinasabi na illegal ang pagpapatugtog ng tape na ito na illegally obtained under our Anti Wire Tapping Law.
Ngayon maari na kayong makasuhan ng Department of Justice kung mahulihan kayong nagdidistribute niyan at ng National Telecommunications Commission (NTC) kung patuloy na ieere nyo ang mga nilalaman ng kontrobersyal na tape na yan.
Ikaw na nagbabasa nitong artikulong ito. Ano ang palagay mo? Dapat na bang patawarin si PGMA?
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am