Ang dalawa ay kapwa pinili ni Jesus na maging tagasunod niya. Silay mga tao na kapwa may mga kahinaan, subalit dahil sa grasya ng Panginoon ay naging tagapagtaguyod ng misyón ni Jesus at naging mga haligi ng Simbahang itinatag ni Jesus.
Si Pedro (na ibig sabihin ay "Bato") ay si dating Simon Barjona. Siya ay isang mangingisda. Siya rin ang nagtatwa kay Jesus. Subalit sa tindi ng kanyang pagsisisi at pagmamahal kay Jesus, inihabilin ng Panginoon sa kanya ang susi ng kalangitan at ang pangangalaga ng Kanyang kawan. Siya ang kinikilalang unang Papa sa Roma ng Simbahang Katoliko.
Si Pablo naman ay si dating Saul. Isa siyang sundalong Romano na dati-ratiy nagpapahirap sa mga Kristiyano. Sa minsang pagtahak niya sa daan patungong Damasco, nagpabanaag sa kanya si Jesus. At mula noon, siyay naging isang Kristiyano at masigasig na tagapagtaguyod ng Mabuting Balita tungkol kay Jesus. Sa kanyang iniatang ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa ibat ibang dako noong kapanahunan niya: Sa Galacia, Efeso, Corinto, Tesalonica, at iba pa.
Tulad nina San Pedro at San Pablo, tayo rin ay pinili ng Diyos nang tayoy mabinyagan. Sa ating pagkabinyag, naiatang din sa atin na ipagpatuloy ang misyon ni Jesus dito sa lupa: Ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos, ang pagpapagaling ng maysakit at ang pagpapa-layas ng mga demonyo. Tulad din nina San Pedro at San Pablo, tayo rin ay may mga kakulangan, may mga kahinaan. Subalit sa kabila nito, pinagkatiwalaan tayo ng Panginoon na ganapin ang pagpapatuloy ng Kanyang misyon upang ang iba pang hindi nakakakilala sa Diyos ay makilala at mahalin Siya.
Sa lahat ng mga parokya sa buong Pilipinas na ang mga patron ay sina San Pedro at San Pablo, Maligayang Kapistahan sa inyong lahat!