Suspect sa pagpatay sa ABS-CBN director malakas sa gobyerno?
June 29, 2005 | 12:00am
NAGBABALAK pala si Makati City Mayor Jojo Binay na ipasara na ang Venezia bar sa Glorietta 2 bunga sa naging pugad ng kaguluhan. Sa pagkaalam ko, isa-isa ng kinakalap ni Binay ang mga insidente na nangyari roon sa Venezia bar at maging basehan niya ito para sa kanyang desisyon. Hindi lang pala ang pagpatay kay ABS-CBN director Luis Luigi Santiago ang kaguluhang nangyari sa Venezia bar kundi marami pa, anang kausap ko sa Makati City. Kaya nagagalit si Binay dahil mukhang hindi sapat ang security na itinalaga ng may-ari ng Venezia bar sa kanyang establisimiyento kayat hindi naagapan ang mga kaguluhan doon. Ayaw kasi ni Binay na maulit pa ang kaso ni Santiago roon dahil ang napapahiya ay hindi lang ang kapulisan kundi maging ang liderato niya. Magtatagumpay kaya si Binay na ipasara ang Venezia bar? He-he-he! Dapat lang, kesa sumakit pa ang ulo niya no?
Hindi lang pala mga anak ng mga sikat sa ating lipunan kundi maging mga teenager na supling ng mga foreign dignitaries ang dumudumog sa Venezia bar. Kayat kahit konting bungguan lang eh malaking gulo kaagad kapag hindi naagapan. Ganyan ang nangyari kay Santiago at dahil mukhang malakas ang nakalaban niya na si Oliver Perez, hayun walang nangyari sa kaso niya. Si Perez ay hindi makilala ng mga imbestigador kayat matagal bago siya masampahan ng kaso. Hindi makikilala si Perez o talagang inililigwak lang ang kaso dahil mukhang malakas sa gobyerno ang suspect? Marami kasi akong nakausap na mga imbestigador sa WPD at iisa ang puna nila, mukhang may whitewash ang kaso. Ika nga may pinoprotektahan na malaking isda ang Southern Police District (SPD), anila. Kung sabagay, alam ng mga beteranong imbestigador sa WPD ang kanilang sinasabi dahil abot nila ang pagsikut-sikot sa mga kasong hawak nila. Kawawang Santiago! Para makaahon si Presidente Arroyo sa mga negatibong balita laban sa kanya, panahon na siguro para iutos niya ang pagtugis kay Oliver Perez at ikulong siya para makita ng sambayanan na may hustisya pa sa ating bansa.
Nasa tamang landas naman si NCRPO chief Dir. Vidal Querol nang iutos niya na imbestigahan ang dalawang pulis-Makati na nagresponde sa kaso ni Santiago subalit hindi nila naaresto si Oliver Perez. Si Perez pala ay umieskapo lulan ng kanyang kotse nang dumating sina Sr. Insp. Bodanio at PO2 Tibor sakay ng mobile car. Pinilit ni Bodanio na pahintuin ang humahagibis na si Perez subalit pinaputukan pa siya at tinamaan nga sa braso. Gumastos ng P120,000 si Bodanio para lang maayos ang braso niya. Si Tibor? Kumaripas ng takbo para magtago kahit armado ng Armalite rifle. Malakas pang magyabang itong si Tibor na galing siya sa RSAF o SWAT ng SPD, eh takbuhin din pala, anang taga-WPD na nakausap ko. Kaya nararapat lang na imbestigahan si Tibor sa mga lapses niya at kasuhan ng cowardice kapag napatunayan ang pagkakamali niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended