"Killer Bus: BSTSMC..."
June 27, 2005 | 12:00am
NAKAKASIGURO ba kayo na ligtas ang mga pampasaherong bus na inyong sinasakyan?
Dalawang linggo na ang nakalipas nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Malinta Exit nang mawalan umano ng preno ang bus ng Bagong Silang Transport Services Motor Cooperative (BSTSMC), kung saan anim na katao ang namatay at kasalukuyang nagtatago ang driver.
Sa pag-iimbestiga ng BITAG kasama ang ilang eksperto, ilang bagay ang aming nakita sa killer bus ng BSTSMC...
Animoy pinagpraktisan ang mga bus ng BSTSMC dahil hindi otorisado ang mga parte ng bus na ikinabit dito kaya naman sa pananaw ng mga eksperto, mala-frankenstein ang istura ng bus na ito.
Lumalabas din na lumabag ang BSTSMC sa tinatawag na Philippine Safety Standard upang masabing road worthy o maaaring bumiyahe ang kanilang mga bus sa mga pangunahing lansangan.
Nalaman pa ng BITAG mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na kanselado na ang prangkisa ng BSTSMC. Ibig sabihin, hindi maaaring bumiyahe ang lahat ng bus na kanilang pagmamay-ari dahil sa Suspension Order na inilabas ng LTFRB.
Pero sa nakikita ng BITAG, hindi ito nangyayari at tila nagmamatigas pa ang pamunuan ng BSTSMC na parang may ipinagmamalaki.
Kitang-kita ang ginawang pagkukulang ng LTO at LTFRB upang hindi na mabigyan ng panibagong rehistro at ma-issuehan ng prangkisa ang BSTSMC na patuloy na bumiyahe sa kabila ng aksidenteng naganap.
Malawakang corruption ang nakikita naming sanhi sa likod ng mga anomalyang pagpapalusot na ito kaya malaya pa ring namamayagpag sa lansangan ang iba pang killer bus na tulad ng BSTSMC.
Anim na buhay ang nawala dahil sa kapabayaan ng mga ahensiya. At maaaring marami pa ang mawawala kung patuloy ang matinding pagkukulang ng LTO at LTFRB.
Hotline numbers 09189346417 o tumawag 9328919 - 9325310. Bahala si Tulfo Monday - Friday, 9:00 - 10:30 am, UNTV 37; simulcast sa DZME 1530 kHz, 9:00 - 10:00 am.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended