Sen. Ralph Recto, bakit?
June 25, 2005 | 12:00am
MATINDI ang sipa ng panibagong VAT law sa ipinasa ni Senator Ralph Recto sa Noypi porke aabot yata sa P50 ang premium gasoline sa susunod na mga days.
Wala pang announcement regarding sa new price ng krudo ang big 3 oil companies pero nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na puputok ito anumang oras mula ngayon. Siguradong iyakan umaatikabo ang mangyayari kapag pumalo going up ang presyo. Sangkaterbang Noypi mula sa kanilang kinatatayuan ang malalaglag todits kapag nagkataon.
Ang mga ma-e-erap at mga middle class families ang mayayari sa paglipad pataas ng prices. Sabi nga, luluha ang langit dahil sa ulan. He-he-he!
Siguradong taas singil sa pamasahe, pagkain, kuryente, tubig etcetera, etcetera.
Saang kamay ng Diyos kukunin ng madlang people na majority ay naghihikahos ngayon, ang pera para ipangtustos sa kanilang pangangailangan?
Mahigpit na ang sinturon na nakatali sa bewang ng Noypi at kung hihigpitan pa ay talagang sobra na! Sabi nga sakal na sakal na!
Ito ang matinding problemang darating na mukhang hindi kayang gamutin ng gobyerno.
Ano kayang tulong ang magagawa todits ni Sen. Ralph Recto kapag tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Matulungan niya kaya tayo?
Nagtatanong lang po, Your Honor!
Tahimik si Senator Recto ngayon dehins natin siya naririnig at nakikita sa mga telebisyon, sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
Oo nga, noh! anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Baka nasa abroad? nangingiting sabi ng kuwagong Kotong cop.
Nandyan lang iyan sa tabi-tabi at nagpapalamig, sagot ng kuwa- gong CO2-10 ng Aguinaldo.
Kasama kaya si Ate Vi sa pagkain ng halo-halo? tanong ng kuwagong haliparot.
Anong konek ng halo-halo?
Nagpapalamig, eh!
Ganoon ba kamote?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest