^

PSN Opinyon

Kaninong pakulo ang demolisyon vs Bishop Cruz?

- Al G. Pedroche -
SIGURO marami ang lalong nagngingitngit ngayon sa administrasyon matapos lumantad ang isang nagpakilalang dating sakristan para akusahan ang anti-jueteng crusader na si Archbishop Oscar Cruz ng sexual abuse.

Unbelievable
kasi agad ang diskarte nitong si James Aquino nang magtungo sa tanggapan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para ireklamo si Cruz. Naroroon ang arsobispong kanyang inaakusahan pero hindi niya nakilala. Kinailangan pang ituro ng mga taga-media sa kanya si Cruz.

Bagamat panay ang banat ko sa administrasyon sa harap ng mga nakasusulasok na usaping kinakaharap nito, hindi ko agad ipaparatang dito ang demolition job. Puwede kasing pakulo ito ng mga jueteng lords na nasagasaan ang negosyo dahil sa jueteng exposé ni Cruz. Puwede ring pakana ng administrasyon porke mismong ang mga mahal sa buhay ni Presidente Arroyo ang direktang idinadawit.

Pero teka, huwag nating kalilimutan na may motibo rin ang oposisyon para gawin ito. Sa anong dahilan? Eh di para lalong manggigil sa galit ang taumbayan sa administrasyong Arroyo.

Bago pa man mangyari ito, hinulaan na ni Cruz na dahil sa kanyang walang takot na pagbubunyag, malamang may isang taong lalantad upang gibain siya. And so it came to pass.

Inamin ni Cruz na bago pa man ang pangyayaring ito, binalaan na siya ng oposisyon na may lalantad upang siya’y kasuhan ng sexual abuse para ma-discredit ang kanyang mga testimonya laban sa jueteng. Bakit alam agad ng oposisyon?

Blackeye
ito sa administrasyon kung ang taumbayan ay hindi nag-aanalisa. Sa harap ng tensyong politikal, hinay-hinay tayo ng paghuhusga kung sino ang nagkasala.

Sa tindi kasi ng giyera politikal at sa husay ng estratehiya ng magka-bilang kampo, mahirap tukuyin kung sino ang paniniwalaan.

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BAGAMAT

BAKIT

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

INAMIN

JAMES AQUINO

KINAILANGAN

PRESIDENTE ARROYO

PUWEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with