Kotongerong traffic enforcer, hulog sa BITAG!
June 24, 2005 | 12:00am
DAHIL sa sumbong ng isang driver ng pampasaherong jeepney, hulog sa patibong ng BITAG at Traffic Management Group (TMG) ang Novaliches Traffic Enforcer na si Logronio.
Estilo raw nitong si Logronio ang rumaket sa mga pampasaherong jeep at bus, maging sa mga pribadong sasakyan gamit ang bogus na re-routing scheme.
Wala raw pinaliligtas si Logronio. Maging mga pobreng driver na nagmamadali dahil sa emergency ay hindi nakalulusot sa kanya.
Ayon sa mga impormasyong aming natanggap, parang leon sa kalsada si Logronio. Ugali nitong mambasag ng salamin at ilaw ng mga sasakyang hindi nagbibigay ng lagay sa kanya.
Mula sa P2,000 kotong, bumaba sa P500 ang hiningi ng buwayang si Logronio.
Hulog sa aming surveillance camera ang estilong panggagatas ni Logronio. Lipas na sa oras ng kanyang duty at sadyang binalikan lamang ang kanyang delihensiya. Kasama pa ni Logronio ang kanyang misis na nagsilbing look-out sa isinagawang transaksiyon.
At nang tanggapin ni Logronio ang marked-money, animoy aping-api si misis na nagmamakaawa. Wala raw kinalaman ang kanyang mister sa abutang nangyari.
Sa tanggapan ng TMG kung saan nagdatingan ang iba pang mga naging biktima ni Logronio, animoy mabait na tupa itong humingi ng tawad sa kanyang mga inabuso at ginatasang mga driver.
Kung ako may nagkasala, akoy patawarin nyo ang tanging nasambit ng dating nagtitigas-tigasang si Logronio.
Simula sa Lunes, June 27, 2005, binubuksan ng IBC 13 ang kanilang pintuan para sa inyong mga sumbong at hinaing, maging mga problemang may kinalaman sa komunidad.
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, BITAG.
Estilo raw nitong si Logronio ang rumaket sa mga pampasaherong jeep at bus, maging sa mga pribadong sasakyan gamit ang bogus na re-routing scheme.
Wala raw pinaliligtas si Logronio. Maging mga pobreng driver na nagmamadali dahil sa emergency ay hindi nakalulusot sa kanya.
Ayon sa mga impormasyong aming natanggap, parang leon sa kalsada si Logronio. Ugali nitong mambasag ng salamin at ilaw ng mga sasakyang hindi nagbibigay ng lagay sa kanya.
Mula sa P2,000 kotong, bumaba sa P500 ang hiningi ng buwayang si Logronio.
Hulog sa aming surveillance camera ang estilong panggagatas ni Logronio. Lipas na sa oras ng kanyang duty at sadyang binalikan lamang ang kanyang delihensiya. Kasama pa ni Logronio ang kanyang misis na nagsilbing look-out sa isinagawang transaksiyon.
At nang tanggapin ni Logronio ang marked-money, animoy aping-api si misis na nagmamakaawa. Wala raw kinalaman ang kanyang mister sa abutang nangyari.
Sa tanggapan ng TMG kung saan nagdatingan ang iba pang mga naging biktima ni Logronio, animoy mabait na tupa itong humingi ng tawad sa kanyang mga inabuso at ginatasang mga driver.
Kung ako may nagkasala, akoy patawarin nyo ang tanging nasambit ng dating nagtitigas-tigasang si Logronio.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended