Hangang sa mga sandaling ito, marami sa ating mga kababayan ang nagtatanong sa akin kung ano ba ang "wired tapes" na pinag-uusapan ngayon.
Alam ko si Department of Justice Secretary Raul Gonzalez ay nagsabi na ang sinumang magrereproduce o naglalathala ng nilalaman ng tapes na ito ay maaring makasuhan. Sagot ko naman dyan, sige, kasuhan nyo na ko!
Ang bayan ay may karapatan na malaman ang mga nilalaman ng kontrobersyal na tapes na yan. Mahaba ang tapes subalit ang ginawa ko para sa mga mambabasa ng "CALVENTO FILES" pinili ko lamang ang specific na pag-uusap diumano ni Gloria at ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Narito ang transcribed na pag-uusap diumano ng dalawa Conversation on 28 22:13 May 2004 Garcillano: Hello, good evening maam. GMA: Hello, the FPJ camp raw will file a case against the Board of Canvassers of ano, dun sa Marawi and the military? Garcillano: Ano, maam? GMA: The FPJ camp raw will file a case against the Board of Canvassers and the military in Marawi. Garcillano: Hindi naman po siguro nila maa-ano yung ating Board of Canvassers, pero ang military sa field si Gudani, sa kanila si Gudani. I do not know why they will file. GMA: Oo, oo. Garcillano: Sa kanila si Gudani maam. Thats why I have to work with Gen. Esperon and Gen. Kyamko na at that time, pinalitan nga niya si Gudani for a while. Kaya kwan, pero bakit nila pafile-filan and military na sa kanila lahat. Halos ayaw na nga mag-give way sa amin ng mga tao.GMA: Oo, meron silang pinakidnap ...(line cut)
Conversation on 29 09:43 2004 GMA: Hello...Garcillano: Hello, maam, good morning. Ok maam, mas mataas ho siya pero mag-compensate po sa Lanao yan. GMA: So I will still lead by more than one M., overall? Garcillano: More or less, its the advantage maam. Parang ganun din ang lalabas. GMA: It cannot be less than one M.? Garcillano: Pipilitin maam natin yan. Pero as of the other day, 982. GMA: Kaya nga eh...Garcillano: And then if we can get more in Lanao.. GMA: Hindi pa ba tapos? Garcillano: Hindi pa ho, meron pa hong darating na seven municipalities. GMA: Ah ok,
Conversation on 29 09:47 May 2004 GMA: Hello, forty-plus daw ang talo ko dun sa Cotabato? Garcillano: Maam? GMA: More than forty? Garcillano: More or less, pero hindi ho siguro sosobra ng forty maam. Nag-usap na kami Atty. Bedol. GMA: Ah ganun? So mali yung figures ni Teng? Garcillano: Ah, siguro kasi yung si Teng, kinausap ho niya ang staff ni Atty. Bedol. Kami ni Atty. Bedol, nagusap ho ngayon. But Ill give you the exact figure maam in a little while, para ma-ano ninyo. GMA: Oo ..
Conversation on 27 7:29 hotel May 2004 GMA: Hello, meron tayong ... (?) ... E.R.? para sa Sulu? Garcillano: Saan po, Maam? GMA: Sa Sulu, Sulu? Garcillano: Oo maam, meron po. GMA: Nagco-correspond? Kumpleto? Garcillano: Oo maam. Lahat ho meron, hindi po naming ika-count kung ... GMA: Ok, ok.
Conversation on 11:04 26 May 2004 GMA: Hello, Hello. Garcillano: Hello maam good morning po. GMA: Oo, oo. Si ano, si Biazon nagbabanta, kung madadaya daw siya papabuksan daw niya yung sa ... at saka Tawi-tawi, eh baka raw ako ang madale doon... Garcillano: Baka nga ho ... (line faded, cut)
Conversation on 11:25 26 May 2004 GMA: Hello, Hindi kaya pwedeng mag-delay yung ano, yung senatorial canvassing until after the voting on the rules tonight? Garcillano: On the rules? Ah sige po... GMA: ... a Senate, para walang away. Between two allies ito, siyempre magagalit ito, yung isa magagalit din for sure.
Conversation on 29 1400hrs. May 2004 Garcillano: Hello maam. Tumawag raw kayo. GMA: Sabi nung kabila, nagpaplano sila among themselves, meron daw silang mga affidavits from teachers and Board of Canvassers na they witnessed and were made to cheat Garcillano: Wala naman hong... san ho kaya? Yung kwan ho kanina , yung sinabi nyo sa Pangutaran it was like this. Its Tirona, yung nag-appear doon, nabaligtad si FPJ. Sa canvassing sa province, and result yung din hong original and ilalagay because of the words and figures will not change. Kasi sila Gen. Abahacon ba, hindi masyadong marunong pa dyan, medyo sila ang ano dun. Nagexplain ho sa akin yung election officer ng Pangutaran, si ..., pero sa canvass, sinabi naman ho ng Provincial Board of Canvassers, ang ginawa, yung kinuhang original votes nya, yun din ho ang nabilang kaya wala ho kayong .... (line cut)
Conversation on 31 23:17 May 2004. Garcillano: Hello, Maam. GMA: Hello, tsaka ano yung kabila, theyre trying to get copies of Namfrel copies of the Municipal COCs. Garcillano: Namfrel copies ho? Ay wala naman, okay naman ang Namfrel sa atin, and they are now sympathetic to us. GMA: Oo, oo, (garbled) Pero un nga, they are trying to get that. Garcillano: Oho, we will get in advance copy ho natin kung anong hong kwan nila. GMA: Oo, oo. Garcillano: Sige ho.
Conversation 01 21:43 June 04. Garcillano: Hello, maam. Good evening, maam. GMA: Hello, when they opened ballot box of Camarines Norte, it was empty. Garcillano: Uhm, this afternoon, maam? Camarines Norte? GMA: Uhm-um. Garcillano: Ill call up the supervisor tonight or tomorrow maam. GMA: Uhm-um, si Cariño? Garcillano: Ah, Lisa Cariño. Please, shes not going to do that because this guy is a straight type. GMA: But it was empty. Garcillano: Oh yeah, Ill call her up maam.
Conversation on 02 22:29 June 04. Garcillano: Hello, maam. Good evening. GMA: Hello, dun sa Lanao del Sur at Basilan, di raw nagmamatch ang SOV sa COC. Garcillano: Ang sinasabi nya, nawawala na naman ho? GMA: Hindi na nag-match. Garcillano: Hindi na nag-mamatch? May posibilidad na hindi magmatch kung hindi nila sinunod yung individual SOV ng mga munisipyo. Pero aywan ko lang ho kung sa atin pabor o hindi. Dun naman sa Basilan at Lanao Sur, ito ho yung ginawa nilang magpataas sa inyo, maayos naman ang paggawa eh. GMA: So nag-mamatch? Garcillano: Oho, sa Basilan, alam nyo naman ang mga military dun eh, hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh. Katulad ho dun sa Sulu, sa General Habatan. Pero hindi naman ho, kinausap ko na yung Chairman ng Board sa Sulu, ang akin, patataguin ko muna ang EO ng Pagundaran na para hindi sila makatestigo ho. Na-explain na ho yung sa Camarines Norte. Tomorrow we will present official communication dun po sa Senate. Dun ho sa sinasabing wala hong laman yung ballot box. Na-receive ho nila lahat eh. GMA: Oo, oo. Garcillano: Tumawag ho kayo kanina maam? GMA: Yeah, about that Lanao del Sur at Basilan. Garcillano: Iaano ko na lang ho, nagusap na kami ni Abdullah dun sa kwan kanina. About this, iaano ko ho, huwag ho kayong masyadong mabahala. Anyway, we will take care of this. Kakausapin ko rin si Atty. Macalintal. GMA: Oo. Tapos nun, si uhm... sa Calanguyan, meron daw silang teacher na nasa Witness Protection Program ng kabila. Garcillano: Sino ho? GMA: Yung kabila. May teacher daw silang hawak. Garcillano: Wala naman ho, baka nanakot lang ho sila kasi. GMA: Calanguyan, Tawi-tawi?
DYAN natapos ang pag-uusap na nila GMA at Comm. Garcillano.
Ang tanong ko ngayon sa inyo, sa mga sinabi ni PGMA, masasabi na ba natin na siya ay nandaya, granting na siya nga ang tao sa likod ng boses ng nasa wire-tapped tape?
Sapat na dahilan na ba ito para siya ay mapatalsik at ang kanyang administrasyon ay palitan. Meron ba kayong nabasa na tahasang sinabi niya na dayain ang nakaraang Presidential Elections?
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.