^

PSN Opinyon

Most wanted swindler sa NAIA nakalawit

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SABIT ulit ang most wanted swindler sa NAIA dahil muli itong nakalawit kahapon ng umaga sa loob ng Parking A sa nasabing lugar habang binibiktima ang isang babaing mananahi na nabola nito sa Cubao, Quezon City.

Matagal nang hindi nag-ooperate si Henry Gutierrez sa airport dahil nakulong ito ng isang taon sa Pasay City Jail. Paglabas sa kulungan nag-lie-low muna siya para dehins maalala ng mga taga-airport police na humahanting todits.

Daan-daan kasi ang reklamong natanggap ng Office ni Col. Frankie Dino, bossing ng airport police sa mga naging victim ni Henry kaya masigasig ang mga kabig ni Dino na mahuli ang culprit. Sinasaluduhan ng mga kuwago ng ORA MISMO sina Cpl. Loe Uranza ng APD at S/G Rodel dela Cruz, ng Lanting Security dahil sa pagiging vigilant nila.

Ang dalawang bida kasi ang nagdala sa bandidong si Henry kay Lt. Edgar Isaac, Deputy Commander ng APD Mobile Patrol and Checkpoint Section sa NAIA. Kinilala ni Lt. Isaac ang latest victim ni Henry Swindler na si Evangeline Graciadas, 52, mananahi. Naengganyo kasi ni Henry si Evangeline matapos mabola ito kaya willing ang huli na magbigay ng P3,000 para ipantubos sa mga bagaheng nakabimbin sa Bureau of Custong, este mali, Customs pala.

Ganito ang kuwento ni Evangeline sa mga kuwago ng ORA MISMO, kahapon dakong alas-8:30 a.m. nang lapitan siya ni Henry Swindler sa may tanggapan ng Negros Navigations sa Cubao, Quezon City. Kukuha kasi ng tiket si Evangeline papuntang Bacolod ng mga oras na iyon. Kinilala ni Henry si Evangeline at nagpanggap ito na isang seaman. Nabola niya si Evangeline kaya pumayag ang huli na sumama sa airport.

Matamis pa sa asukal ang dila ni Henry Swindler kaya nalinlang nito si Evangeline. Isang taxi, Pre-Mae, na may plakang TVJ-538 at minamaneho ng isang Melquiades Capor ang sinakyan ng dalawa papuntang NAIA.

Habang nasa taxi, tinakaw ni Henry Swindler ang mananahi dahil ipinakita todits ang mga dollar nito sa pitaka at sinabihan pa si Capor kung saan magandang magpapalit ng pitsa ni Uncle Sam. Ang hindi alam ni Evangeline, peke ang mga dollar ni Henry Swindler. Ika nga, Xerox copy ang pitsa ni Pekadores!

Pagdating sa parking lot ng airport ay inabot ni Evangeline ang P3,000 kay Henry para makuha ang bagahe nito pero lingid sa huli, mino-monitor pala siya ng grupo ng APD at Lanting Security Guards dahil nakilala ang gago na isang tirador.

"Ayaw talagang tumigil ni Henry sa kanyang hotraba," anang kuwagong embalsamador sa punerarya.

"Gusto sigurong matulog ng kamote sa sementeryo?" sagot ng kuwagong manananggal.

"Sangkaterba ang naloko ni Henry, hindi kaya siya minumulto ng mga taong nakamote niya?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Baka hilahin ang paa niya sa impiyerno para makausap si Satanas kapag dehins siya nagbago," naiinis na sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Gusto niya sigurong makausap si Lucifer."

"Diyan kamote bahala siya!"

BUREAU OF CUSTONG

CUBAO

DEPUTY COMMANDER

EDGAR ISAAC

EVANGELINE

HENRY

HENRY SWINDLER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with