Napag-alaman na ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay mga risk factor sa pagkakaroon ng cancer sa bibig.
Ang pagnganganga na gamit ang apog at bunga at ang paghithit ng tabako ay maaaring maging dahilan para magka-cancer sa bibig. Napag-alaman din na ang sirang ngipin, namamagang gilagid gayundin ang depektong pustiso ay puwede ring maging sanhi ng cancer sa bibig.
Ang cancer sa bibig ay ginagamot ng operasyon, radiation theraphy at chemotherapy.
Ang constipation ay nagiging dahilan para magdugo at humapdi ang tumbong. Ipinapayo ng mga doktor na kapag nararamdaman ang pagdumi ay agad gawin ito. Importante ang bowel movement sa araw-araw.
Karaniwang sanhi ng constipation ay ang maling nutrisyon at ang hindi pag-inom nang maraming tubig. Ipinapayo na uminom ng walong basong tubig bawat araw. Importante rin na mag-exercise at kumain ng mga sariwang prutas at gulay.
Dapat ding mag-ingat sa matagal na paggamit ng stimulant laxatives na makapipinsala sa bituka. Ang paglalabatiba ay malaking tulong din.