PNP vs airport police magraratratan

MAGSASAYA sana ang mga funeral parlor sa Pasay City kung natuloy ang ratratan ng Pasay Police at airport police noong Huwebes ng gabi sa APD headquarters ilang metro ang layo sa NAIA.

Naging bida sa komprontasyon si retired Philippine Army General Angel Atutubo, Assistant General Manager for Security and Emergency Services, dahil mabilis siyang nakabotak sa nasabing battle ground. He-he-he!

Para sanang pelikulang Gun Fight at OK Corral ang nangyari kung dehins naagapan ni Angel ang sitwasyon. Pareho na kasing maiinit ang ulo sa ibaba este mali sa itaas pala ang dalawang panig kaya matatalim ang tinginan nila. Sabi nga, pakiramdam kung sino ang unang lalabasan este mali puputok pala. Nag-ugat ang lahat dahil sa mis-communication sa pagitan ng dalawang tropa.

Ganito ang story, dahil sa lumalalang robbery hold-up sa bisinidad ng NAIA near Pildera na kalimitang biktima ay mga foreigners at balikbayan ay nag-ask ng augmentation troop si Angel sa Pasay City police para magkaroon ng police visibility sa nasabing lugar.

Kaya ang nangyari sa usapan ay nagpadala ng mga lespu mula sa PCP 9 sa pamumuno ni Chief Insp. Panaligan. Nang mag-deploy ang mga katulisan este mali kapulisan pala ay nadaanan ni retired Col. Francisco Dino, hepe ng APD, ang tropa ng mga lespu, kaya bumaba ito sa kanyang sasakyan at tinanong ang mga lespiak kung bakit sila naka-kalat with matching heavy arms on the side.

Sinagot si Frankie Boy, ng isang hindi nakilalang pulis na sa Pasay headquarters na lamang magtanong para malaman ang kanilang operasyon. Dahil dito nagkaroon ng mis-understanding kaya sinabi ni Dino sa mga rakpang nagkalat sa vicinity na ang mga APD ang responsible sa buong NAIA.

Nagtampo raw ang mga lespiak kaya umalis sila sa battle ground sa sinabi ni Dino pero ilang minutes lamang ay rumesbak ang mga ito at naka-full battle gear at hinanap si Frankie Boy. Sabi nga, bibitbitin si Colonel!

Nang matunugan ito ng mga tropa ni Dino para mga dagang naglabasan ito sa kani-kanilang lungga para siyempre ipagtanggol ang kanilang bossing sa kamay ng mga let-gang lespiak.

Nagmalaki rin ang mga galamay ni Frankie Boy kaya nagpakita ito ng batuta at silbato este mali mga high powered firearms pala para i-depensa ang kanilang bossing sa mga lespiak na nanlilisik ang mga eyes.

Sa punto ng girian biglang dumating si Batman este mali Angel pala para awatin ang mga naggigirian lespiak at Industrial Security Guards.

Naawat ang dalawang panig matapos silang bigyan ng ice candy ni Angel para lumamig ang kanilang mga et-at.

"Si Angel ang naging bida kasi siya ang umawat,’’ anang kuwagong CO-2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Mukhang nakalimutan ni Angel si Frankie Boy kaya lumalabas tuloy na walang alam ang huli sa usapan nila ng mga lespu’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Proper coordination para dehins maipit ang isa’t isa sa operasyon,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Show comments