Kapalmuks talaga: DND dapat magpaliwanag
June 18, 2005 | 12:00am
SEGURO, seguro lang may unaccounted na kalahating milyong piso ang Department of National Defense (DND) kung kaya idineklara sa Commission on Audit (COA) na ang naturang halaga ay ipinalamon sa mga reporters na nagko-cover sa Kongreso.
Alam kaya ng Kalihim ng Tanggulan ang iregularidad? Hindi puwedeng itoy malingid sa kanya porke office of the DND Secretary and sangkot. Ginastos diumano ang halaga sa pagpapakain sa media nung Okt. 6, 2003 kaugnay ng assumtion to office ng DND secretary.
At kung sakaling nalusutan ang Kalihim, dapat siyang mag-imbistiga at kastiguhin ang mga dapat managot. To be exact, ang pinag-uusapang halaga ay P445,482.06. Maliit na halaga pero kung gagawing sangkalan ang mga media practitioners o kahit sino pa, itoy isang buktot, kasuklamsuklam at karumaldumal na krimen. Pardon my hyperbolic super superlative. Naaasar lang ako eh. Kahit hindi media ang ginawang sangkalan, nakakakulo ng dugo ang lahat ng kasinungalingan lalu pat ang pinag-uusapan ay kuwarta ng bayan na nalulustay sa katiwalian.
Nabuking ng mga reporters sa Senado at Mababang Kapulungan ang maanomalyang report ng DND sa COA na gumastos ang office of the secretary ng naturang halaga para sa kanilang "cocktails, dinner at meryenda." Siyempre, papalag ang mga reporters lalu pat itoy kasinungalingan.
Anang mga reporters sa Kongreso, ni minsan ay wala silang natatandaang nag-blowout ang sino mang opisyal ng DND sa kanila. Ang Senado ay mayroong walumpung reporters mula sa mga pahayagan, radyo at telebisyon samantalang limampu naman ang nakatalaga sa Mababang Kapulungan.
Ang mga iyan ang duly accredited sa Public Information and Media Relations Office.
Kaya magprotesta sa COA ang mga reporters para huwag tanggapin ang report ng DND. Dapat ding malaman ang katotohanan kung saan napunta ang halaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended