Where then lies the freedom of the press and the right of the people to know? Sabi pa ni Gonzales "iyan ang batas" at hindi siya nananakot. Kaso, the more the administration supresses, the angrier the people become. Marahas man ang batas itoy may puso. There is the spirit of the law and where the interest of the vast majority is affected, the statute must favor the people. Sa kasong ito, there is a strong clamor that the recording be heard para malaman ng tao kung ang Panguloy dapat pa nilang pagkatiwalaan o hindi.
Sabi ni dating BIR chief Liwayway Chato, ang isa pang indikasyon ng papalapit na gobyerno militar ay ang "abduction" na ginagawa ng pamahalaan sa mga whistleblowers ng katiwalian ng administrasyon.
Pero duda ako sa kakayahan ng administrasyon na mag-ala-Marcos. There is only one Marcos (buti na lang). At kahit bumangon pa si Makoy sa hukay para pamunuan ang bansa, hindi na siya makakaporma. Iba na ang situwasyon. Malamang na gawin ni President Gloria ay ibang estilo: Ipaku-kudeta ang sarili. Kung mayroon pang natitirang loyal sa kanya sa militar, maaari nilang planuhin iyan. Bubuo kuno ng military junta pero sa likod niyan, si Gloria pa rin ang magti-timon.
Well, ano mang style ang gamitin, martial law pa rin. And I dread that it might be the vilest military rule to govern the nation. Sa nakaraang kolum, nasabi ko na diktador man si Marcos at nagkamal ng yaman sa pamumuno, nagtagal siya ng dalawampung taon dahil wa-es. He gave the peoples basic needs. Shelter, murang bilihin, edukasyon at iba pang bagay para makuntento ang tao. Hindi lang ang militar ang binusog ni Makoy kundi ang taumbayan. Kaya ang nagalit sa kanya ay yung mga negosyanteng inagawan niya ng negosyo. Yung mga tinawag niyang oli-grach. Dahil kopo niya ang negosyo, mura ang bilihin. Iyan lang naman ang gusto ng tao. Mababaw ang ligaya. Pero mali pa rin because the ultimate objective is still to satisfy ones greed and rapacity. Pero para sa taumbayan, balewala iyan bastat nakakatikim sila ng ginhawa at hindi sila nagkukulang. Marahil, isang attitude iyan ng Pinoy na dapat mabago. Otherwise, magiging dispalinghado forever ang ating konsepto ng demokrasya.
Ano nga kaya kung magkaroon ng isang lider na diktador na, hindi pa iniintindi ang interes ng taumbayan? Iyan nakakapanghilakbot na mangyari.