Nakatatakot ang ultimatum ni Abat

HINDI biro ang mga salitang ipinarating sa Noypi ni retired General at dating Defense Secretary Fortunato Abat kamakailan dahil gusto pala niyang pababain sa Malacañang si Prez Gloria Macapagal-Arroyo sa Hunyo 25.

Gustung-gusto ni Abat na siya ang pumalit kay Prez Gloria kapag lumayas sa Malacañang.

Sabi nga, si Abat ang tatanghaling new King ng Pinas kapag nagkataon. He-he-he!

Dehins pala sina Vice Prez Noli de Castro o si Senate Prez Franklin Drilon ang papalit kay GMA oras na bumaba ito sa kanyang chair.

Left and right daw ang mga scandal na kinasasangkutan nina Prez Gloria at kanyang family kaya kailangang umalis na sila sa Palasyo. Hanggang June 25 lang sila sa Malacañang para umiskerda. Sabi nga, may ultimatum si Abat.

Sa ilalim pala ng gobyerno ni Abat, gusto niyang alisin ang Senate at House of Representatives kabilang ang lahat na mga elected officials ng gobyerno. Kaya naman sangrekwa ang nagtaasan ng kilay sa mga salitang binitiwan ni Abat.

Sangdamakmak kasi ang issue versus Prez Gloria na pinasisingaw ng kanyang mga kritiko kaya naman sadsad ang survey niya ngayon. Kaya lang, hindi naman bumibitiw sa palda ni Prez Gloria ang kanyang mga kaalyado kasama na todits ang US of A, ang different religious group, etcetera. Para sa kanila, si GMA pa rin ang bida sa kanilang life! Sabi nga, si Gloria pa rin ang panggulo, este mali, Pangulo pala.

Ang nangyayaring kaguluhan o pasingawan ng utot sa bansa ay makakaapekto nang malaki sa economy ng Pinas kaya ang mayayari todits ay ang mga ma-e-erap na mamamayan.

"Kailangan sigurong magbago na ang gobyerno," anang kuwagong laos na pulitiko.

"Paano natin babaguhin ang gobyerno kung tayong mga Noypi ay dehins sumusunod sa butas, este mali, batas pala," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Camp Crame.

"Ano ang maganda nating gawin para maayos ang lahat?" tanong ng kuwagong CO-2-10 sa Camp Aguinaldo.

"Iyan kamote ang pasagot mo sa kanila!"

Show comments