^

PSN Opinyon

P 27-B bawat taon hatian sa jueteng

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANI Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz lumala ang jueteng nang P13-bilyong raket kada taon sa panahon ni President Arroyo. Sisiw ‘yan sa saliksik ni dating police colonel Wally Sombero mula pa nu’ng panahon ni President Estrada. Ani Sombero sa "The Truth about Jueteng," ang taunang kabig sa jueteng ay P27 bilyon.

Nasa PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Sombero nang simulan ang saliksik. Nabatid niyang sa 27 probinsiya sa Luzon, 12 ay jueteng-free: Batanes, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Romblon, Marinduque, Mindoro Occidental, Palawan, Masbate, Catanduanes. Hindi sa walang vice lord at pulis o politikong protektor. May iba lang ngang pasugal: Video-karera, tupada, at simpleng Last-2 na halaw sa official lotto draws o score sa professional basketball games. Ani Sombero, "hindi lang kasi marunong mag-jueteng ang mga taga-roon."

Sa 15 pang iba, libangan na ang jueteng simula panahon ng Kastila. Nanganak na ito ng sindikato ng labis 200,000 financier, kabo, kolektor, rebisador, banka, protektor, fixer at bagmen. Kumikita sila sa arawang taya ng mahigit 4 milyong sugarol.

Pa-25¢ lang o P1 ang karaniwang taya, pero may mga nag-aalaga ng numerong "rambol" kaya umaabot sa P5-P10 kada draw ang hatag. May naglalaro nang "paki" o utang na lingguhan kung bayaran. Lahat hangad ang jackpot na P900 kada P1, o kaya P1,800 kung "pompiyang" o bihirang isang numero lang ang kombinasyon.

Umaabot sa P75 milyon ang arawang hamig sa Luzon, ani Sombero, o P2 bilyon kada buwan at P27 bilyon kada taon. Ang "laban" o hatian ay 65:35. Ang bulto’y sa financier bilang tubo, pangsuweldo sa rebisador at banka, at pambayad-panalo. Ang labi ay sa "nacional" at lokal na protektor, fixer, at komisyon ng kabo at kolektor.

Lumalabas na P26 milyon kada araw (P800 milyon kada buwan, P10 bilyon kada taon) ang suhol. At P49 milyon kada araw (P1.2 bilyon kada buwan, P17 bilyon kada taon) ang dagdag pang huthot sa masa.

ANI SOMBERO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAGUPAN-LINGAYEN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

KADA

LUZON

MINDORO OCCIDENTAL

MOUNTAIN PROVINCE

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with