Ang tigdas ay dala ng virus. Ang may tigdas ay inuubo, sinisipon, panay ang bahin, nagtutubig ang mga mata, masakit ang ulo, laging uhaw at nilalagnat.
Ang mga may tigdas ay dapat na pakainin ng itlog at dairy products at uminom ng maraming tubig at fruit juices na mayaman sa Vitamin C gaya ng oranges, dalanghita, kalamansi. Dapat din silang kumain ng sariwang prutas gaya ng saging, atis, mangga at mansanas. Napag-alaman na ang kakulangan sa Vitamin A ang sanhi ng tigdas.
Ang kakulangan ng iodine sa katawan ang siyang dahilan kung bakit lumalaki ang bilog sa lalamunan na mas kilala sa tawag na "bosyo". Pero meron ding goiter na hindi halata dahil itoy toxic o nasa ilalim ng lalamunan kaya hindi gaanong napupuna. Ang tawag dito ay hyperthyroid samantalang hypothyroid naman ang non-toxic goiter. Bagamat namamana ang goiter ay acquired din. Ipinapayo sa mga may goiter at doon sa mga ayaw magka-goiter na kumain ng mga seafoods at gulay pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng repolyo at cauliflower na may mga sustansiya na nagpapalala ng goiter. Hindi rin sila dapat kumain ng matatamis, maalat at malalamig na pagkain gaya ng sorbetes. Bawal din silang manigarilyo at uminom ng alak at hindi sila dapat na mapagod.