^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan lalaya sa mga kurakot ?

-
SINAKOP ng Spaniards, Amerikano at Hapones ang bansang ito at iniwang lugmok. At ngayon, ibang klaseng mananakop naman ang namamayagpag – at mas matindi sapagkat ang kabang yaman ang inuubos. Sila ay ang mga kurakot. Wala silang kabusugan sa pangungulimbat. Hindi na nakapagtataka kung taun-taon ay umakyat sa mataas na rating ang bansa kung ang corruption din lamang ang pag-uusapan. Dito sa Asia, isa sa mga nangungunang bansa ang Pilipinas sa mga kurakot. Sa mga survey, nangunguna ang Bureau of Customs sa mga tiwaling tanggapan ng pamahalaan. Sumunod ang Bureau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways, Department of Education, Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines. Sinakop ng mga kurakot ang mga tanggapang ito at walang ibang naghihirap kundi ang taumbayan. Nalugmok sa kumunoy ng kahirapan. At walang kakayahan ang kasalukuyang gobyerno para durugin ang mga kurakot. Wala ring ipinagkaiba sa mga nakaraang administrasyon na hinayaang makapamayagpag ang mga kurakot.

Hindi na natatakot ang mga kurakot. At bakit nga naman matatakot gayong walang ngipin ang gobyernong ito. Mahuli mang magnakaw sa Customs, ang katapat lamang na parusa ay suspensiyon. Pagkatapos masuspinde balik na naman sa puwesto at magnanakaw na naman. Marami nang nasuspinde sa Customs at pabalik-balik lang ang corruption doon. Kamakailan, dalawang babaing magkapatid na empleado ng Customs ang kinasuhan dahil bumagsak sa "lifestyle checks". Twenty thousand pesos lamang isang buwan ang suweldo ng dalawang magkapatid na kurakot subalit sandamukal ang ari-arian at mga sasakyan. Ang isa ay may motorboat pa. Kakatwa ring sa Customs ay may mensahero na sumasahod lamang ng P6,000 subalit dalawa ang mamahaling sasakyan at may ilang pinto ng apartment.

Ganyan din halos sa BIR at DPWH. Walang tigil sa pagpapayaman ang mga kurakot. Wala nang katapusan ang kanilang kakaibang pananakop. Sinisipsip ang kaban.

Ngayo’y nayayanig naman ang bansa dahil sa jueteng payola at direkta nang sinangkot ang Unang Pamilya. Wala na ngang katapusan ang pananakop ng mga kurakot at hindi na makalaya ang mga dahop ang pamumuhay. Lalo pang nabaon sa kumunoy ng kahirapan.

Kailan nga ba lalaya ang bansa sa mga kurakot?

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KURAKOT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

UNANG PAMILYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with